Derek Ramsay handa na daw magpakasal?

Inamin ni Derek Ramsay na pinagpa-planuhan na din nila ng girlfriend ang mag-settle down.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/1/2018 9:35 AM
Derek Ramsay handa na daw magpakasal?


 

Looking forward na ang nagbabalik kapamilya na si Derek Ramsay sa kanyang upcoming movie sa Star Cinema na Kasal kasama sina Paulo Avelino at Bea Alonzo.

 

Ito din ang pagbabalik tambalan ni Derek at Bea na napanuod sa ilang pelikula gaya ng One More Chance (2007) at And I Love You So (2009) at sa kapamilya teleserye na Magkaribal (2010).

Sa panayam na ito kay Derek sa pictorial ng pelikula, ibinihagi ng aktor ang kanyang pananabik sa muli nilang pagsasama ni Bea matapos ang ilang taon.

“It’s really exciting. We started a project before hindi lang natuloy. That was in 2011,” bungad ni Derek.

“Bea and I worked together on One More Chance. She and I also worked on TV together in Magkaribal. It’s amazing to work with Bea again. She’s my one of my favorite actresses, definitely one of the most talented out there. It’s really nice to be paired with her,” sabi pa ni Derek.

Ito naman ang unang beses na nakatrabaho ng aktor si Paulo Avelino na puring-puri ni Derek.

“I’ve never worked with Paulo. It’s great for me to work with Pau. He’s an intense actor. The set is really light most especially na yung director namin ay director din ng No Other Woman,” sambit pa ni Derek.

Dahil usapang kasal, napag-usapan din sa interview ang personal na buhay pag-ibig ni Derek sa non-showbiz girlfriend nito na si Joanne Villablanca.

Minsan nang nasabi ni Derek sa ilang interview na napag-uusapan na din nila ng longtime girlfriend ang pagse-settle down.

Read: Is Derek Ramsay ready to propose to his girlfriend?

“Every time you’re in a relationship, you should be looking at that, ‘di ba? That’s why you stay committed to that person,” sabi pa ni Derek.

“We haven’t gotten to the particulars on what we are going to do. It’s definitely in our heads and it’s part of our plan. So we’re taking it slow, we’re taking it easy and enjoying each other’s company now, but one day I’m sure darating na din,” pahayag pa ng actor/

Mapapanuod ang Kasal ng Star Cinema sa darating na May 16, 2018 sa direksyon ni Ruel S. Bayani.