• Home
  • Fresh Scoops
  • Karen Reyes on 14-year age gap with her boyfriend Sarkie Sarangay: ‘Tito levels na pala siya!’

Karen Reyes on 14-year age gap with her boyfriend Sarkie Sarangay: ‘Tito levels na pala siya!’

The Asintado actress shares the story behind their six-month courtship.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

4/9/2018 10:28 AM
Karen Reyes on 14-year age gap with her boyfriend Sarkie Sarangay: ‘Tito levels na pala siya!’


Photo credit to justmekarenreyes IG

 

After almost five years of being single, Karen Reyes finally shared on her personal Instagram account a sweet photo of her and Silent Sanctuary vocalist Raymund “Sarkie” Sarangay.

The 21-year-old actress revealed why she finally decided to share their couple photo.

Kasi nakikita ko sa Instagram ko everyone was posting for summer, for Holy Week, ganyan. Wala nainggit lang ako, try ko kaya mag-post. Eh wala akong ibang picture kundi yun. Kasi sobrang worst Holy Week ever, worst summer ever yung nangyari sa amin nung nag-bakasyon kami kasi sobrang unplanned tapos basta panget yung napuntahan naming place and all. So that’s the only picture that I have during Holy Week. So nainggit ako, sabi ko, ‘Try ko kayang mag-post.’ Hindi ko ini-expect na magkaka-write ups (laugh),” she said during the Skechers On The Move fashion show held last August 8 in Quezon City.

Karen admitted that during their courtship period of half a year, she didn’t expect their age gap to be that big.

Ayoko na kasi magkuwento masyado, nahihiya ako. Actually nagulat din ako na, ‘Ay! Ganung taon ka na pala.’ Wala sa itsura niya nung nagkakilala kami. So nagulat ako na ganun ka-tito levels na pala siya (laugh). Ganun lang yung lokohan namin. Pero kasi mabait siya. Kasi 14 years yung age gap namin so wala lang, I find it mas masaya, kasi hindi ka mamomoblema na petty things pag-aawayan ninyo. Parang it’s more of matured kayo pareho. Kasi parang ganun ako, ganun ako nakita ng tao na parang hindi ako bata mag-isip at magsalita. Kasi I’m 21 pero I’m talking like I’m 35 or something. Parang siguro nag-jive kami dun sa maturity, ganyan,” she explained.

It also helped that Karen has always been listening to the band’s music.

“Fan ako ng Silent Sanctuary ever since. Alam niya yun. Tapos pareho kami ng kinalakihan. Pareho kaming taga-Makati. Eh yung lugar sa Makati na yun na Sembo at South Sembo yun ang lugar kasi namin dun. Taga-South Sembo ako tapos taga-Sembo siya so we have the same, parang kung papano kami tumambay, makipag-usap sa tao. Parang pareho kaming walang ere, ganun. Natatawa lang ako kasi yun yung nasa comments box na malayo daw ang age gap namin, ganun. Pero wala naman sa itsura di ba? (laugh). Aside from that, wala eh kasi we’re both Libra pa so compatible kami,” she remarked.

When asked to share what was her favorite moment with her boyfriend, Karen shyly said, “The first time I saw him (laugh). Actually pumunta ako sa gig nila tapos pagpunta ko parang wala lang. Basta it was the first time that I saw him, yun. Wala lang, private kasi talaga.

Furthermore, Karen said even her mom has approved of their relationship.

Oo pero nung una siyempre parang sabi niya na, ‘O matanda na yan. Baka mag-away away kayo lagi dahil sa kanya.’ Iniisip niya hindi kami compatible. Naisip niya baka immature ako in other things. Nag-co-compromise naman kami,” she said.