• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-apologize din ang aktor sa mga fans niya dahil na-disappoint niya ang mga ito in the past.

JM de Guzman aminadong may counselling sessions pa din

Nag-apologize din ang aktor sa mga fans niya dahil na-disappoint niya ang mga ito in the past.

JM de Guzman aminadong may counselling sessions pa din-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/09/2018 09:00 AM
JM de Guzman aminadong may counselling sessions pa din
Photo credit to 1migueldeguzman IG

 

Ngayong Abril na ipapalabas ang teleseryeng Araw Gabi na pagbibidahan ni JM de Guzman kasama ang baguhang si Barbie Imperial. Ito rin ang hudyat ng pagbabalik sa ere ng Precious Hearts Romances under the unit of Direk Ruel Bayani.

Ayon kay JM,  habang napapanood niya ang teaser ng Araw Gabi ay hindi pa rin siya makapaniwalang nakabalik siya sa pag-arte.


At dahil daw sa magagandang nangyayari, mas gusto niyang mas maging grounded ngayon at ayusin ang kanyang trabaho.

“’Yung ganitong chances, mahirap na ulit dumating. Pambihira na lang talaga. Kaya napakalaki talaga ng pasasalamat ko,” saad ni JM.

May mensahe din si JM sa mga taga-hanga na patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng kanyang mga naging pagkukulang at pinagdaanan.

“Yung mga fans ko, sobra rin ang pasasalamat ko sa kanila talaga. Salamat sa support, sa love, sa muling pagwe-welcome sa akin at sa inyong sa pagpapatawad. I’ve let you down and I’m sorry.”

Ayaw din daw niyang mangako dahil wala nga namang sigurado sa mundo.

Aniya, “ Ayokong mag-promise o mangako. Basta  I will try my best.”

Samantala, ibinahagi rin ni JM na hanggang ngayon ay dumaraan pa rin siya sa regular na counselling session para mas maging clear na siya totally sa epekto ng droga.

“Halos everyday, nagkakaroon pa rin ako ng counselling session. Kasi unti-unti, bini-build pa rin namin yung confidence ko from the scratch.

“Nasa process pa rin ako, pero happy ako ngayon na nasa labas na ako. Sobrang overwhelming din ang support na natatanggap ko kaya sobrang happy ako.

“Sabi ko nga, ‘Totoo ba ito, o baka naman naaawa lang sila sa akin?’ Overwhelming pero minsan, medyo nakaka-anxious din,” nakangiti niyang reaksyon.