• Home
  • Fresh Scoops
  • Magpapatulong ba si Jerome Ponce sa girlfriend niyang si Mika Reyes para sa kanyang movie role?

Jerome Ponce, ibinahagi kung paano nag-level up ang acting dahil sa ‘The Good Son’

Magpapatulong ba si Jerome Ponce sa girlfriend niyang si Mika Reyes para sa kanyang movie role?

Jerome Ponce, ibinahagi kung paano nag-level up ang acting dahil sa ‘The Good Son’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/08/2018 09:10 AM
Jerome Ponce, ibinahagi kung paano nag-level up ang acting dahil sa ‘The Good Son’

 

Patapos na ang The Good Son series ng ABS-CBN kaya hindi maiwasan ni Jerome Ponce ang malungkot.

“Eh, ganun talaga. Hanggang do’n na lang yung istorya namin kaya natural lang na mag-end na rin,” bulalas niya.


Pero more than the sadness, malaki ang pasasalamat ni Jerome na naging bahagi siya ng teleserye na pinagbibidahan din nina Eula Valdez, Mylene Dizon, Joshua Garcia, Nash Aguas, at McCoy de Leon.

Iba yung fulfillment sa part ko na napasama ako sa The Good Son. Napakalaking bagay nito sa akin kasi dito nila nakita yung mga kaya ko pang gawin. Kahit ako, hindi ko rin naman iniisip na magagawa ko ang ganun,” reaksyon ni Jerome na ang tinutukoy ay ang ipinamalas niyang galing sa pag-arte sa The Good Son.

Patuloy pa niya, “Masaya ako dahil sa The Good Son. Hindi ko ini-expect. Nung una, parang ganito, di ba siyempre, may mga nagsasabi na, ‘Patay yang si Jerome, si Joshua at si Nash ang makakasabayan niyan, maiiwanan yan, mga ganun.

Sabi ko, totoo nga naman. May mga napatunayan sila, tapos ako, wala. Pero okey lang naman sa akin yon. Nagsilbing inspirasyon sa akin yung mga sinasabi ng iba.

Maraming sinabi sa akin ang mga director, mga staff, ilang meetings yan. Anong kailangan kong gawin, hanggang sa na-blend na nila ako nang maayos. Na-mold din nila ako sa karakter ko as Enzo. Natuwa naman ako dahil eto na pala yung kaya kong ilabas at mas may ilalabas pa pala ako.

Sinabi rin nila sa akin na hindi raw ako puwedeng laging nasa level 6 na galit kasi may ite-10 pa raw ako na galit. Don nila ako kinontrol hanggang sa natutunan ko na,” proud niyang pahayag.

Samantala, Jerome is also doing a youth-oriented movie sa Regal Entertainment na ang title ay Walwal. Role ng isang volleyball varsity player ang ginagampanan niya sa pelikula ni Direk Joey Reyes.

Balak pa ba niyang magputuro sa gilrfried na si Mika Reyes nang volleyball para mas kapani-paniwalang player siya talaga sa movie?

Aniya, “Hmmm, ano ba? Nanonood naman akong training at game nila. Natututo na ako don sa panonood.

Kung magpapaturo, malay mo kailanganin, di ba? Siguro, minsan maglaro kami kasama yung mga nakakalaro niya kaso season nila ngayon so busy pa siya.

Nabanggit din ng binata na marunong siyang mag-volleyball kaya wala namang magiging problema sa role niya.

Mabilis din naman kasi akong matututo kasi nag-volleyball naman ako nung high school,” sey pa niya.