• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian also shares his preparation for his upcoming solo concert.

Tsikang network transfer, nilinaw ni Ian Veneracion

Ian also shares his preparation for his upcoming solo concert.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/07/2018 01:58 PM
Tsikang network transfer, nilinaw ni Ian Veneracion

 

Isang kilig concert ang inihahanda ngayon ng Kapamilya leading man na si Ian Veneracion.

Kuwento ni Ian, labis na paghahanda ang kanyang ginawa para sa upcoming concert na titled “Ian in 3 Acts” na gaganapin sa April 21 sa Cebu at sa May 13 sa Resorts World Manila.


"Focus sa music, ayaw ko ng hilaw. If I'm gonna do it, I need to polish it, pati yung finding the band members since this will be all live music nga, kailangan namin I-polish ‘yun songs and rehearse,” bungad ni Ian.

Dito, makakasama din ni Ian ang Star Music Artist na si LA Santos at iba pang special guests.

Matapos ang concert, bukas na din daw si Ian sa usapin ng muling paggawa ng pelikula sa Star Cinema pero sa ngayon, secret daw muna ang mga detalye nito.

“Mayroon nang balak na movie for Star Cinema, pero yung utak ko ngayon nasa music muna,” paliwanag ni Ian.

Kabaligtaran naman ang mga pahayag na ito ni Ian sa usap-usapan na nakikipag-meeting umano ni Ian sa isang network executive.

“I think I know what you're talking about, he’s my neighbor in a subdivision in Tagaytay ‘yun lang yun. As a neighbor lang,” paglilinaw ni Ian sa kumakalat na larawan.

"No, lagot ka kay Tita Malou (Santos, boss ng Star Cinema)," pagbibirong pahayag ng aktor sa press.