• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariah Carey, kakantahin ang 18 greatest hits sa concert niya sa Oktubre

Mariah Carey, kakantahin ang 18 greatest hits sa concert niya sa Oktubre

Mariah Carey, dadalhin ang number one show niya sa Pilipinas

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

4/7/2018 10:16 AM
Mariah Carey, kakantahin ang 18 greatest hits sa concert niya sa Oktubre


Photo credit to mariahcarey IG

 

Sa ulat ng TV Patrol, kinumpirma diumano ng kampo ni iconic singer Mariah Carey na magkakaroon siya ng concert sa bansa sa October 26, Biyernes. Gaganapin ang concert sa Araneta Coliseum.

 

Ibibirit ni Mariah ang 18 hit songs niya kabilang na ang “Hero,” “Fantasy” at “We Belong Together.” Dadagdagan pa diumano ito ni Mariah ng iba pa niyang kanta na nagpapatunay kung bakit siya ang tinaguriang Best Selling Female Artist of All Time.

 

Hinangaan si Mariah sa kanyang mataas na pag-whistle sa kantang “Emotions,” na siya namang naging legacy niya sa kanyang mga fans. Ilan sa mga local singers na umiidulo kay Mariah ay sina Jona at Morissette Amon.

 

WATCH: Mariah Carey, ibibirit ang greatest hits sa kanyang concert sa Oktubre