Ano ang ideal age para magpakasal para kay Matteo Guidicelli?

Ano ang ideal age para magpakasal para kay Matteo Guidicelli?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/05/2018 09:59 AM
Ano ang ideal age para magpakasal para kay Matteo Guidicelli?

 

Bakas ang kasiyahan sa mukha ng aktor na si Matteo Gudicelli nang inilarawan nito ang kanyang naging birthday celebration kasama ang malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay kabilang na ang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Growing at evolving kung ilarawan ni Matteo ang kanilang relasyon ni Sarah.


Read: Matteo Guidicelli, ikinuwento ang naging bakasyon kasama si Sarah Geronimo

28 years old na si Matteo at ito ang edad na kanyang nabanggit noon na kanyang ideal age ng pagpapakasal.

 

HAPPY EASTER EVERYONE!!

A post shared by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on

 

“Hindi ko pa alam. Ang mga bagay0bagay nagbabago. 28 na ako. I don’t know. We’ll see, hindi ko pa alam,” bungad ni Matteo.

“I though 28 was the best (time) but in life doors open, things change… Other doors open. We’ll see. Life has always new things to offer so we’ll see what’s going to happen,” sabi pa ni Matteo.

At ngayon na tapos na ang kanyang bakasyon, abala na muli si Matteo sa kanyang pagganap bilang isa sa mga Bagani na gabi-gabing napapanuod sa kapamilya network at sa kanyang Italian restaurant.

 

Si Lakam at si Ama. #Bagani

A post shared by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on

 

“Bagani is a challenge, it’s a fun challenge as an actor. It’s challenging because of many things. My character is very heavy there and iba siya, but it was fun. The crew, the staff, sila lahat, sila sobrang pamilya kami,” ani ni Matteo.

 

“Kung wala ako doon, nasa restaurant ako. Isang waiter ako doon, nagkuha ng mga order ng mga tao,” pahayag pa ng actor.