• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng aktres na so far ay wala namang sobrang pasaway sa minamanage niya na hip hop group na Ex-Battalion.

Ai-Ai Delas Alas sumabak na din sa pagma-manage ng talents

Sinabi ng aktres na so far ay wala namang sobrang pasaway sa minamanage niya na hip hop group na Ex-Battalion.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/05/2018 02:36 AM
Ai-Ai Delas Alas sumabak na din sa pagma-manage ng talents

 

Sa press conference ng hiphop group na Ex-Battalion bilang bagong endorsers, nalaman ng media na ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai Delas Alas na ang manager nila.

First time daw magkaroon ng manager ng grupo at bago lang rin naman daw kay Ai-Ai ang pagma-manage ng talents, kaya’t masaya niyang binahagi ang kanyang experience sa Ex-Battalion.  


“Yung mga boys iba-ibang individual yan. Kanya-kanya sila ng character, so may mga pasaway din pero mild lang hindi yun tipong ‘di mo kakayanin. And I think kaya sumikat ang mga to kasi mababait, good hearted boys, kaya isa yun sa dahilan bakit sila sikat. And pangalawa galing sa mababa talaga eh so, yung mga naeexperience nila na tinataboy sila and everything, I think yun ang bala nila sa pag-angat nila, hindi sila magiging mayabang,” sabi ng aktres sa press con ng unang endorsement ng grupo para sa Frontrow.     

Dagdag pa ni Ai-Ai wala rin daw siyang balak sa ngayon na magparami ng talents.

“Mababait naman sila talaga, mga seloso lang. Gusto nila sila lang alaga ko. Totoo naman di rin naman ako kukuha ng sakit ng ulo okay na sila.”

Dalawa lang daw ang talents ni Ai-Ai sa kasalukuyan, ang grupo at ang kanyang anak-anakan na si Jiro Manio.  

“Except for Jiro, nauna naman sa kanila yun, kinuwento ko naman sa kanila na anak ko yun, kailangan ng kalinga.”

Bilang manager naman, good words din ang meron ang Ex-Battalion para sa kanya.

“Napakabait po, very, very kind hearted. Napakamaalahanin niya, umaga, hanggang gabi update niya kayo, kumain na ba kayo, mag-toothbrush, ‘wag na wag kayong malelate,” sabi ng isa sa members na si Flow-G.  

Samantala pinaghahandaan naman daw ni Ai-Ai ang isang malaking show para sa Ex-Battalion sa July, isa sa mga rason kung bakit daw di sila masyadong nag-coconcert or show sa Metro Manila.

“Halos araw-araw may inquiry sila kaya lang yun iba, yun Metro Manila medyo tinatanggihan ko kasi balak ko talaga magkaroon sila ng malaking show sa July. So inaayos ko pa yun. Kaya sa provinces ang tinatanggap ko muna. Yung Metro Manila unti-unti lang kasi nga meron silang malaking ano para ma-surprise naman yung mga fans nila,” lahad ni Ai-Ai.