2018 Miss Universe PH Catriona Gray, deadma sa presyo ng bagong Binibining Pilipinas crown

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/04/2018 08:54 AM
2018 Miss Universe PH Catriona Gray, deadma sa presyo ng bagong Binibining Pilipinas crown
Photo credit: @catriona_gray on IG

 

Fresh mula sa bakasyon, present ang 2018 batch ng Binibining Pilipinas queens sa naganap na 11th World Autism Awareness event sa Araneta Center, Cubao.

 

Kasama sa nasabing event si Miss Universe Philippines Catriona Gray na isa-isang sinagot ang mga naglalabasang isyu na ibinabato sa kanya.

Una na dito ang pagpuna ng iilang mga former beauty queens sa kanyang pagkapanalo bilang Best In Swimsuit sa Binibining Pilipinas pageant.

Read: Buwelta ni Miss Universe Philippines Catriona Gray sa mga bashers: ‘More love, more positivity’

“I just want to promote positivity online. The fans all united in supporting the queens of the 2018 batch. It was as an amazing batch if I may say so myself and I think the future is very bright for us so please just keep spreading the love, unity, and positivity online and our journeys for the crown,” bungad niya.

Happy naman daw si Catriona sa mga positibong komento ng pageant fans na hanggang ngayon ay hindi pa din nakaka-get over sa kanyang mga naging pasabog noong coronation night.

Isa sa naging pasabog ni Catriona ang kanyang mamahaling Three Stars and the Sun ear cuff.

 

“Super saya! A lot of amazing feedback. It was something I wanted to do for the Philippines talaga, the touch of patriotism in my evening gown. So I’m very happy for the positive feedback,” kuwento pa ni Cat.

Bukod sa mamahaling ear cuff, nagbigay komento din ang beauty queen sa bagong korona ng Binibining Pilipinas na may kahawig na ibinibenta sa isang online shop sa murang halaga.

Read: Bagong korona ng Miss Universe Philippines, kahawig ba ng nabibili lang sa isang website?

Pero ayon kay Cat, hindi daw ito importante sa kanilang mga beauty queens.

“I don’t have a problem with it. It’s the queen that makes the crowns so I’m sure that each of us queens will leave a legacy to the crowns no matter what the design.”