• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Tolentino nagbigay update sa annulment case niya kay Lander Vera-Perez

Regine Tolentino nagbigay update sa annulment case niya kay Lander Vera-Perez

Matapos ang ilang taon, umaasa si Regine na muli niyang makikita ang tamang tao na magmamahal sa kanya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/30/2018 8:50 AM
Regine Tolentino nagbigay update sa annulment case niya kay Lander Vera-Perez


Photo credit: @landerveraperez on IG

 

Ibinahagi ng TV host at performer na si Regine Tolentino ang update sa kanyang annulment case sa asawa na si Lander Vera-Perez.

Sa chikahan na ito with the press, naibahagi ni Regine na anytime soon ay mapapawalang bisa na ang kanyang kasal kay Lander.

“Finally after two long years, magiging official na maybe next month po, I’m happy and pwede pa naman hopeful po, I’m open for love someday,” sabi ni Regine.   

Dagdag pa niya, masaya siya na naiintidihan ng kanyang dalawang anak ang mga development sa annulment case niya at ng kanilang ama.

“Actually years ago pa, this is my fourth year na with this, my kids keep on telling me na ‘Mama, go out! You should meet people, you should go out with your friends, do fun stuff’ kasi puro work lang talaga ako and my kids are really open to that,” sambit pa ni Regine.  

Wala naman raw balita ngayon si Regine kay Lander at kung nasaan ito ngayon.

“No! Hindi kami nagkikita sa hearing. Hindi siya sumusipot, that makes the whole process easier, thank God!” sabi pa niya. 

Aniya, hindi din sila magkaibigan nito gaya ng ibang mag-asawa na nagkahiwalay.  Wala din siyang nakukuha na child support mula kay Lander.

“We are not (friends), I have no idea where he is, he has no communication with my kids, he doesn’t support them on whatsoever even one centavo since he left so I do not know,” matapang na kwento ni Regine.