• Home
  • Fresh Scoops
  • Moira Dela Torre shares details on how boyfriend Jason Marvin proposed to her

Moira Dela Torre shares details on how boyfriend Jason Marvin proposed to her

Moira, nasurpresa din sa proposal ng nobyo sa dulo ng music video

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/30/2018 8:36 AM
Moira Dela Torre shares details on how boyfriend Jason Marvin proposed to her


Photo credit: @moirarachelle4 on twitter (R)

 

Sa Gandang Gabi Vice, matapos ang nakakagulat na wedding proposal ni Jason Marvin sa singer na si Moira Dela Torre, na nakapaloob sa music video na “Tagpuan” inamin ng singer na maging siya ay nagulat sa proposal ni Jason.

“When Kuya Pratty (John Prats) and I were conceptualizing the whole music video, buhay ko talaga. So I come from a broken family and we wanted to incorporate na just because you come from a broken family, doesn’t mean your future is going to be broken also. So that was the story pero hindi ko alam na dun pala siya (Jason) magpo-propose.”

Nag-debut ang music video sa GGV, at nagulat din ang lahat ng makita ang proposal ni Jason sa dulo ng music video. 

Ikinwento din ni Jason kung papano niya na-pull off ang proposal ng hindi nalalaman ni Moira. 

“Oo, akala niya dun sa last part magtatagpo lang kami pero hindi niya alam nakikipag-kuntsaba na ako kay Kuya John while planning the music video.”

Sa Twitter naman, nagpasalamat ang singer sa well-wishes na natanggap niya mula sa mga kaibigan at taga-hanga.