Kilalanin ang mga kandidata ng 2018 Miss Korea Philippines

Nagpahayag din ng saloobin ang mga kandidata tungkol sa pinaguusapan na pagkakaayos ng North and South Korea.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/30/2018 8:31 AM
Kilalanin ang mga kandidata ng 2018 Miss Korea Philippines


Photo credit: @misskoreaphilippines on IG

 

Ipinakilala na ang opisyal na walong kandidata ng 2018 Miss Korea Philippines na magpapatunay sa gumagandang relasyon ng Korea at ng Pilipinas.

Ito na ang ikalawang taon ng Miss Korea Philippines pageant kung saan ang mananalo ay ipadadala sa Miss Korea Pageant.

Sa naganap na media presentation ng 2018 Miss Korea Philippines, nagbigay reaskyon ang mga kandidata sa mainit na usapin ngayon na reconciliation ng mga lider ng North and South Korea.

 

Para sa 21-year-old half-Pinay, half-Korean na si Bhang Selina, makakatulong ang pag-uusap na ito sa ekonomiya ng Korea.

“I think it is actually a very good step into something very renowned, considering that this is the first time a high position official from North Korea crossed the border to meet in South Korea. It is a very good step for the progress of Korea,” sabi ni Bhang.  

Tagos sa puso naman ang unang reaksyon ng 25-year-old candidate na si Kuk Son Yong, na kabilang sa cast ng gag show na Banana Sundae. 

“Actually watching that issue, I had tears of joy because we Koreans, we had suffered a lot because we are separated into two and I believe that North Korea has abundant resources, while South Korea has great Ideas and if the two work together and unite as one, we can develop our country more and show the world how beautiful Korea is,” paliwanag nito.  

Ang 24-year-old law student naman na si Kwon Ji Hye, umaasa na maging magandang halimbawa sa mundo ang historical na pag-aayos ng North and South Korea.

“This historical event is very monumental for the purpose that encompasses the very cultural differences that Korea experienced for so many years and because of this, I believe that our country will be able to proceed and progress the more innovative way together and this unification will further hopefully inspire the other countries of the world to take action in being harmonised, than being more polarised in our time today,” sabi naman ni Ji Hye. 

Magaganap ang grand coronation night ng 2018 Miss Korea Philippines sa darating na May 8, 2018 sa City of Dreams Manila.