• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Barcelo, Rufa Mae Quinto and Boy Abunda share what they love about Katy Perry

Roxanne Barcelo, Rufa Mae Quinto and Boy Abunda share what they love about Katy Perry

Many celebs were sighted at the Katy Perry Witness World Tour in MOA last April 2.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/3/2018 5:47 PM
Roxanne Barcelo, Rufa Mae Quinto and Boy Abunda share what they love about Katy Perry


Photo credit to the owners

 

Grupo-grupong dumating sa Mall of Asia Arena kagabi ang mga solid fans ni Katy Perry para sa kanyang Witness World Tour na pangalawang balik ng pop superstar sa Pilipinas.

Kasama ng fans nakihalo ang ilang celebrities na gusto rin mapanood ang performer sa likod ng hits na "Firework," "The One That Got Away," "Last Friday Night," "Roar" at marami pang iba.

Kabilang sa mga maagang dumating ang Kapamilya singers na sina Bamboo at Karylle, na sinundan ng King of Talk na si Boy Abunda, na ibinahagi ang favorite song niya mula kay Katy Perry.  

“I like the song 'The One That Got Away' because she’s a story teller and I like the way she tells her stories and that song tells the story of everyone,” sabi ni Boy. 

Si Roxanne Barcelo, pinatunayan ang kanyang pagiging huge fan ni Katy Perry at nagbahagi ng ilang trivia tungkol sa  sa unang Manila concert nito noong 2015. 

"Yes I was there kahit na late siya nandoon ako. I saw sa documentary niya na that was when she found out her husband at that time was breaking up with her so naintindihan ko naman siya doon! Wow! Fan na fan!" kwento ni Roxanne.  

Si Rufa Mae Quinto sinabing hindi na niya kakayanin kung di nya mapapanood ang idolo. 

“Ngayon hindi pwedeng palagpasin ko ito kasi baby 'you're a firework' na ito! Hindi kasi idol ko si Katy Perry eh! Gusto ko siya talaga!" masayang pahayag ni Rufa Mae. 

Matapos ang Pilipinas, Susunod naman ang Taiwan sa Witness World Concert Tour, na magaganap sa April 4.