Matteo Guidicelli, ikinuwento ang naging bakasyon kasama si Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli, ikinuwento ang naging bakasyon kasama si Sarah Geronimo-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/03/2018 06:27 PM
Matteo Guidicelli, ikinuwento ang naging bakasyon kasama si Sarah Geronimo
Photo credit: @popstarprincess (R) on IG

 

Fresh galing sa kanyang masayang bakasyon sa Palawan, present ang aktor na si Matteo Guidicelli sa naganap na contract signing ng first-ever online celebrity charity event ng Metro Magazine na Signed, Sold, Delivered.

 


Si Matteo ang isa sa mga tatayong ambassador ng charity event, for the benefit of Lingkod Kapamliya Foundation.

 

Pagbibiro ni Matteo, pinag-iisipan di umano niya na ibahagi at ibenta online ang kanyang mamahaling racing bike bilang tulong sa Lingkod Kapamilya.

 

“Pag-iisipan ko muna kung ano man, when I get home after this, I’ll be picking out stuff,” aniya.

 

Ibinahagi rin ng aktor ang kanyang naging masayang bakasyon sa Palawan kasama ang kanyang pamilya at special someone na si Sarah Geronimo.

 

”Maraming salamat. We’re just there to celebrate a good time,” natatawang sabi ni Matteo.

 

Kuwento pa niya, well-spent ang kanilang naging bakasyon sa Palawan kung saan nag-explore sila ng mga bagong activities.

 

 

 

 

 

“Enjoy naman kami. We went to my cousin’s farm in Palawan. We learned about how pearls were made and I have to be proud of it because these golden pearls are Philippine gems. Kumbaga, not a lot of people notice it, but the Philippine gem is the golden pearl,” sabi pa nito.

 

Dagdag pa niya, nakita nila kung paano ito nagawa and “It’s all amazing.”

 

Thankful din daw si Matteo, na nakasama niya ang girlfriend sa kabila ng busy schedule nito dahil sa paghahanda sa nalalapit niyang anniversary concert.

 

“Paano? Hindi ko alam, siya nagpaalam,” nakangiti niyang sinabi.

 

Napag-usapan din ang mga viral videos nila ni Sarah habang duet na kumakanta. Noong nasa restaurant sila ni Matteo, inawit nila ang ilan sa hit songs ni Sarah gaya ng Kilometro at Ikot-Ikot.

 

 

 

 

Happy ♥ #HappyBirthdayMatteo #ashmatt #sarahgeronimo #matteoguidicelli ©

A post shared by Sarah & Matteo G. (@smgfan_) on

“Wala, walang kuwento behind that, nag-jamming lang kami. Wala, wala, we just hang out with friends and family. We just started singing so ‘yun lang then everybody sang,” ani pa ng aktor.

 

Dagdag pa ni Matteo, masaya rin daw siya sa positibong komento ng mga fans nila ni Sarah na masaya rin para sa kanilang relasyon.

 

“I’m very grateful and thankful that they are happy,” at nagpasalamat sa kanilang mga taga-suporta. 

 

At kung tatanungin naman daw si Matteo sa estado ng kanilang relasyon ngayon ng girlfriend, aniya, “It’s growing. It’s beautiful evolution kumbaga. It’s not always up, there’s a lot of downs also but you know, things were working out, things were good.”