• Home
  • Fresh Scoops
  • Allen Dizon, Eula Valdez, at ‘Respeto’ wagi sa 16th Gawad Tanglaw

Allen Dizon, Eula Valdez, at ‘Respeto’ wagi sa 16th Gawad Tanglaw

Narito na ang kumpleto listahan ng mga nagwagi sa 16th Gawad Tanglaw.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/3/2018 9:10 AM
Allen Dizon, Eula Valdez, at ‘Respeto’ wagi sa 16th Gawad Tanglaw


Photo credit: @allentdizon (L) on IG

 

Wagi ang acting nina Allen Dizon ng pelikulang Bomba at Eula Valdez ng Neomanila sa 16th Gawad Tanglaw. Ang Gawad Tanglaw ay isang prestigious award-giving body na binubuo ng mga kritiko, guro, and educators.

Naungusan ni Allen ang iba pang nominado sa makatotohanang pagganap niya bilang isang deaf-mute na may kinakasamang menor de edad na babae sa pelikulang idinirek ni Ralston Jover.

This is Allen’s fourth best actor award sa Gawad Tanglaw at pang-31st acting award na niya. This is also his fourth best actor trophy mula sa pelikulang Bomba (Warsaw Int’l Filmfest, Dhaka Int’l Filmfest, Sinag Maynila, and Gawad Tanglaw).

Si Eula naman na napapanood sa series ng ABS-CBN na The Good Son ay lumutang sa role bilang nanay ng mga hitmen for hire sa pelikulang Neomanila na idinirek ni Mikhail Red.

Matatandaang magkasabay ding nanalo noon sin  Allen at Eula sa 38th Gawad Urian two years ago. Allen won for Magkakabaung at si Eula naman sa Dagitab.

Wagi namang best picture ang pelikulang Respeto ni Direk Treb Monteras na tungkol sa mga underground rappers. The film also won best picture sa Cinemalaya independent film festival last year.

Samantala, ang direktor naman ng Bomba na si Ralston Jover ang  mag-uuwi ng best director trophy. Kilala si Jover sa mga acclaimed films niyang Hamog, Hiblang Abo, at Bakal Boys.

Gaganapin ang awarding ceremony ng Gawad Tanglaw sa Mayo at the Film Development Council of the Philippines.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 16th Gawad Tanglaw.

Best Film: Respeto (Cinemalaya Foundation, Arkeo Films, Dogzilla)
Best Actor: Allen Dizon (Bomba)
Best Actress: Eula Valdez (Neomanila)
Best Supporting Actress: Shamaine Buencamino (Paki)
Best Supporting Actors: Jess Mendoza (Sa Gabing Nanahimik ang mga Kuliglig) and Rocky Salumbides (Neomanila)
Best Director: Ralston Jover (Bomba)
Best Screenplay: Ralston Jover (Bomba) and Eric Cabahug (Deadma Walking)
Best Story: Ralston Jover and Dennis Evangelista (Bomba)
Best Editing: Jesus Navarro (Bomba)
Best Music: Jay Olver Durias (Respeto)
Best Cinematography: Mycko David (Birdshot and Neomanila)

Presidential Jury Award (Dr. Jaime Gutierrez Ang Medal of Excellence)
Film: Bomba (ATD Entertainment Productions, Heaven’s Best Entertainment, Crowning Glory Equipment Services)
Acting Excellence: Bembol Roco and Dexter Doria
Pelikula ng Dekada: Larawan (Culturtain Musicat Productions)

Gawad Tanglaw Para sa Sining at Siyensiya ng Pagtuturo ng Komunikasyon (Pelikula): Jose Javier Reyes, De La Salle University, College of St. Benilde