• Home
  • Fresh Scoops
  • Producer, ipinaliwanag kung bakit mahal ang tickets sa Celine Dion concert

Producer, ipinaliwanag kung bakit mahal ang tickets sa Celine Dion concert

Inamin din ng concert producer na si Joed Serrano na mas madaling makatrabaho ang foreign artist kesa sa local.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/29/2018 10:49 AM
Producer, ipinaliwanag kung bakit mahal ang tickets sa Celine Dion concert


Photo credit: @Joed Serrano FB (L)/ @celinedion IG (R)

 

Tuloy na tuloy na ang concert ni Celine Dion sa Pilipinas on July 19 and 20. Ang concert producer na si Joed Serrano ang magdadala sa sikat na international singer sa bansa.

 

“Dapat darating na siya dito noon pa, kaso lang, una, nagkasakit yung husband and then namatay, so she needs to cancel the tour,” kuwento ni Joed.

 

Tumataginting na P35,000 ang tiket sa concert ni Celine.

 

“Mahal talaga,” pag-amin niya tungkol sa presyo ng tiket. “Kasi, siguro, dahil si Celine Dion first time pupunta,” dagdag niya.

 

Ayon pa kay Joed, kahit nagko-concert ang ilang international artists sa bansa, hindi pa rin naman daw mamatay ang concert ng local artists.

 

Pahayag ni Joed, “Yung mga local, kahit taun-taon silang mag-concert, okey lang. Yung kay Celine, minsan lang kaya ganun yung presyo. But then, feeling ko, hindi naman mamamatay yung concert industry o yung pagtangkilik ng tao sa local, like yung kay Sarah Geronimo na punumpuno.”

 

Naibulalas din ng concert producer na mas mahirap daw ka-deal ang local artists kesa international concert performers.

 

“Based on my experience, ang foreign artists, tour yan, eh, so kung ano yung gagawin nila yon na yon. Walang changes. Yung 1 to 20 na songs nila, yon ang susundin nila.

 

“Dito sa local, kahit nag-production meeting ka na, may costume na, hindi pa rin yon ang nasusunod, kahit gumastos ka na sa una. Pag local, sus ginoo, kung makahingi sila ng tiket parang lahat gusto ng ipamigay. Unlike sa international, wala silang ganun.

 

“So para sa akin, based on my experience, mas sakit sa ulo ang local. Kasi ang local matagal mong makakasama bago ang show. Sa international, bayad, tapos benta ng tikets, dadating sila dito tapos the next day uuwi na sila. Di masyadong nakaka-stress. Sa local, for life yung stress, eh,” paliwanag sa ni Joed sa PUSH.

 

Pagkatapos ng Celine Dion concert, balak namang dalhin sa bansa ni Joed si Barry Manilow at Charlie Puth.