K Brosas itinodo ang performance sa 18K Concert

K inalala kung paano siya nagsimula sa showbiz.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/29/2018 11:43 AM
K Brosas itinodo ang performance sa 18K Concert


Photo credits: @cornerstone IG

 

Napuno ng katatawanan ang 18K Anniversary Concert ng TV-host comedian na si K Brosas sa naganap na concert nito kagabi sa Aliw Theater.

Sulit ang sold out concert experience ni K, na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan at mga taga-subaybay.

Opening pa lang puno na ng pasabog si K, suot ang kulay gintong outfit habang bumibirit sa awiting Gold.

 

Highlight din ng concert ang mga birit performances ni K kasama ang kanyang mga special guests -- ang kanyang anak na si Crystal Brosas, Kyla, Angeline, Pooh, Chocolate, Jaya, Zsa Zsa Padilla at Asia's Song Bird Regine Velasquez.

Sa isang bahagi ng concert, sinariwa din ni K kung saan at pano siya nagsimula sa showbiz.

“18 years na po ako sa showbiz, pero nagsimula po ako noong 17 years old pa lang ako. Sa sing-along po ako nagsimula. Bukod sa sing-along kumanta din ako sa mga music lounges.”

Pinasalamatan din ni K ang unang programa kung saan siya nagsimula.

“Nagsimula po ako sa TV sa Eat Bulaga, baka marami po ang hindi nakakaalam. I’ll be forever grateful sa Eat Bulag. Nag TV5 din ako, kulang na lang animal planet pasukin ko," sabi pa ni K, na kilala ngayon bilang isang hurado sa It's Showtime.

“Hanggang sa lumipat ako sa ABS-CBN, and two and half years ago pumasok ang palong-palo na Tawag ng Tanghalan and I’m so touched na ako po ay ginawang hurado at pagkatapos  naging host din po ako sa Umagang Kay Ganda,” sabi pa ni K.

Sa huli pinasalamatan ni K ang ABS-CBN para sa patuloy na tiwala na ibinibigay nito sa kanya.