• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Allen Dizon ibinahagi kung anong klaseng katrabaho si Judy Ann Santos

EXCLUSIVE: Allen Dizon ibinahagi kung anong klaseng katrabaho si Judy Ann Santos

Nakatrabaho ni Allen Dizon si Judy Ann Santos sa indie film na ‘Bayang Magiliw’.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/29/2018 8:58 AM
EXCLUSIVE: Allen Dizon ibinahagi kung anong klaseng katrabaho si Judy Ann Santos


Photo credit: @allentdizon IG (L)/ @officialjuday IG (R)

 

Malaking karangalan para sa award-winning actor na si Allen Dizon ang makatrabaho si Judy Ann Santos sa pelikulang Bayang Magiliw na idinirek ni Brillante Mendoza. Napakagaan daw katrabaho ni Juday sa kabila ng stature niya sa showbiz industry.

 

“Tapos na kami don sa syuting ng Bayang Magiliw. Nasa post production na. Pero mauuna ni Direk Brillante (Mendoza) yung Right To Kill.

 

“Parang ano, napaka-professional at nakapakabait ni Judy Ann. Tapos ano na siya, eh, mother image na. Yung mga pinag-uusapan namin is about family, about sa mga anak, ang sarap niyang katrabaho.

 

“Before kaming mag-shoot, ipinakilala ako ni Direk sa kanya, nagkuwentuhan kami, ganyan-ganyan. Kung ano yung mga festivals na sinalihan ko, so siya rin, pangarap din pala niyang makatrabaho si Direk Dante,” simulang kuwento ni Allen sa PUSH.

 

Hindi rin daw siya nakaramdam ng intimidation while working with Judy Ann.

 

“Wala akong naramdamang ganun. Nung una, siyempre, kilala ko siya as Judy Ann Santos pero hindi ko pa siya nakakatrabaho. Parang nung una, mukhang mabait naman si Judy Ann.

 

“So yung first scene namin parang, medyo hindi pa ako makatingin sa kanya. Tapos first scene namin magkayakap agad kami, eh, kasi mag-asawa kami at yung anak namin may sakit na cancer.

 

“Artista naman tayo, madali namang kumambyo ng emosyon para maging natural siyempre. Sobra siyang accommodating, sobra,” deskripsyon pa ni Allen kay Juday.

 

Ang Bayang Magiliw ay pagbabalik ni Juday sa paggawa ng indie movie. Ayon sa bali-balita, tinanggihan ni Juday ang indie film with Piolo Pascual in favor of Allen Dizon.

 

Ano ang reaksyon niya dito?

 

“Siyempre, di ba, parang ako naman, always ready naman ako sa lahat ng mga opportunities na dumadating lalo na kung maganda yung role, magaling yung director, leading lady, yung istorya maganda.

 

“Kumbaga, kung para sa akin talaga yung role mapupunta talaga sa akin. Kung hindi para sa yo, hindi talaga para sa yo. Hindi yung parang pilitan, kahit last choice pa ako okey lang, at least sa akin napunta yung role. So, ako pa rin yung masaya dahil siyempre may trabaho ako,” huling pahayag niya sa PUSH.