• Home
  • Fresh Scoops
  • Arjo Atayde, handang magpasampal kay Maricel Soriano sa ‘The General’s Daughter’

Arjo Atayde, handang magpasampal kay Maricel Soriano sa ‘The General’s Daughter’

Looking forward si Arjo Atayde na makatrabaho si Diamond Star Maricel Soriano.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/29/2018 11:27 AM
Arjo Atayde, handang magpasampal kay Maricel Soriano sa ‘The General’s Daughter’


 

Matapos ang Hanggang Saan, pahinga daw muna ngayon ang kapamilya actor na si Arjo Atayde para paghandaan ang inaabangan na teleserye ng Dreamscape Entertainment na The General’s Daughter.

Isa si Arjo sa mga makakasama nina Ryza Cenon, Eula Valdez, Janice De Belen, Angel Locsin, at Maricel Soriano dito.

 

Read: LOOK: Angel, Eula, Ryza, Janice and Maricel in one teleserye

Kuwento ni Arjo, handa na daw siya na ma-experience ang malakas na sampal ng nagbabalik telebisyon na si Maricel kung kinakailangan.

“Yeah, yeah, It’s an experience you know. I’m not scared to experience anything bad like that. She slaps hard, that’s her eh what can I do? That’s her emotions as an actress and I respect her,” kuwento ni Arjo sa naganap na launching ng Beautederm Origin Perfume kung saan si Arjo ang brand ambassador.

 

Ayon pa kay Arjo, kakaiba ang kanyang role sa The General’s Daughter na masasabi niyang pinaka-challenging na role na kanyang gagawin sa telebisyon.

“This is the most challenging role I’ll ever do on television, it’s crazy. I told my Mom and Tita Maricel as well when we had dinner couple of days ago. Sabi ko, ‘Tita, I don’t know how I am going do it.’ Sabi niya, ‘You just have to believe in yourself.’ And she’s just there to guide me,” sambit pa ni Arjo.

Ani pa ni Arjo, hindi niya maipaliwanag ang excitement na kanyang nararamdaman sa inaabangan na proyekto na ito ng Dreamscape Entertainment.

“So with the superstar to guide me, nakakatuwa. Of course, I’m more than excited. It’s an understated excitement. I’m working with the two actresses that I look up to, feeling ko kakabahan talaga ako pag nag start na kami,” pahayag pa ni Arjo.

Sa ngayon, bakasyon muna daw si Arjo matapos ang matitinding eksena sa katatapos lang na Hanggang Saan.