• Home
  • Fresh Scoops
  • Solenn Heussaff on Paolo Ballesteros’s crush sa hubby niyang si Nico Bolzico: ‘Okey lang, happy din ako’

Solenn Heussaff on Paolo Ballesteros’s crush sa hubby niyang si Nico Bolzico: ‘Okey lang, happy din ako’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/28/2018 1:17 PM
Solenn Heussaff on Paolo Ballesteros’s crush sa hubby niyang si Nico Bolzico: ‘Okey lang, happy din ako’


Photo credit to nicobolzico IG

 

Ikinuwento ni Solenn Heussaff sa grand presscon ng My 2 Mommies ang experience niya habang katrabaho sina Maricel Soriano at Paolo Ballesteros.

Ang My 2 Mommies ay pang-Mother’s Day offering ng Regal Entertainment at palabas na ito on May 9. The film is under the direction of Eric Quizon.

“Super kalog din sa set (si Maricel). Lagi siyang nagdyo-joke at ang ganda ng mga scenes niya. Well, buti na nga lang pumayag siya kasi it’s not… the role is not during the whole movie, pero game din siya. Tapos ang ganda ng chemistry nila ni Paolo,” kuwento niya about Maricel.

Si Paolo naman daw ay super chill lang katrabaho.

“Super chill, as in, sobrang saya siyang katrabaho. Kahit alam niyang na yung Tagalog ko, minsan ano, nahihirapan ako palagi, pero patient din siya with me.

“Pero luckily, dito sa movie namin madami ring English at may French din,” kuwento niya.

Eh, anong reaksyon niya kapag sinasabi ni Paolo na type niya ang asawang si Nico Bolzico?

Natatawang sagot ni Solenn, “Okey lang. Happy din ako. Hahaha!”

Patuloy ni Solenn, “Mabait si Nico, guwapo, very gentleman. Kung may mga taong—boy or girl—na magustuhan si Nico, eh, di happy din ako kasi the prize is mine.”

Eh, ano ang feeling ni Nico kapag may iba pang nagkakagusto sa kanya kahit taken na ito?

“Kinikilig din siya. Siyempre, sino ang ayaw ng ganun, di ba? It’s always nice to hear na someone has a crush on you, someone thinks of you, di ba?” sagot ni Solenn.

Hindi ba siya nate-threaten sa ganun?

“Hindi naman. Kasi alam ko naman na maraming babaeng maganda out there or iba yung talent nila and everything.

“I trust Nico, so kahit may mga kasama siyang girl sa ibang bansa, with friends or everything, I don’t ask any questions kasi kilala ko siya and we trust each other so that what’s nice with our relationship,” paliwanag niya.

Halatang very proud nga si Solenn sa asawang Argentinian dahil nagpo-post pa ito ng nude photo ni Nico habang naglalakad ito sa inside their apartment.

“Kasi lagi siyang naglalakad sa gabi na naka-ganun. Sabi ko, alam mo, may ilaw yung apartment namin, lahat ng mga apartments around nakikita nila. Sabi niya, ‘I don’t care,’” pag-amin niya na nakangiti lang.

Samantala, sa pelikula ay ginagampanan ni Solenn ang mommy ng isang 8-year-old kid played by Marcus Cabais. First time niya to play mom at okay lang naman daw sa kanya.

“At least, para na rin akong nagpa-practice, di ba?” sabay tawa ulit ng magandang actress-model.