Joshua Colet thankful sa kanyang big break sa "Araw Gabi"

Malaki din ang pasasalamat ni Joshua Colet sa ama na si Noel Colet na matinee idol noong ‘80s.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/28/2018 1:47 PM
Joshua Colet thankful sa kanyang big break sa


 

Mapapanuod na ngayong Lunes, April 30, 2018, ang pinakabagong teleserye ng kapamilya network na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na pagbibidahan ng bagong tambalan nina JM De Guzman at Barbie Imperial.

Kasama din sa cast si Joshua Colet na anak ng sikat na matinee idol noong ‘80s na si Noel Colet.

 

Bago pa man ang Araw Gabi, nakikita na din si Joshua sa ilang mga kapamilya programs.

 

Isaac @joshcolet. #ArawGabiMediaConference #PHRArawGabi #RSBDramaUnit

A post shared by PHR: Araw Gabi (@arawgabi.abscbn) on

 

“Actually 2012 Star Magic na ako. Tapos I was with Jane Oineza sa Okatokat remake, nag PHR din ako. I was with Maja Salvador and Jason Abalos yung Lumayo Ka Man sa Akin. Itong Araw Gabi parang comeback ko siya sa PHR,” bungad ni Joshua.

Kabilang din si Joshua sa mga moonchaser sa hit kapamilya teleserye noon na La Luna Sangre na nagbukas muli sa kanya ng pagkakataon para ituloy ang kanyang pangrap sa showbiz.

 

Day ✌ #moonchasers #lalunasangre

A post shared by Joshua Colet (@joshcolet) on

 

“Nag-audition ako as vampire, and it turn out na naging moonchaser ako. Nakakatuwa kasi nag-next level ako sa career ko for my development and big step din ang mapabilang sa La Luna Sangre after ko mag-school,” sabi pa ni Joshua.

Aminado si Joshua na pinuno siya ng pangaral ng kanyang ama na kanyang baon sa muling pagsisimula sa showbiz.

“Marami yun pero ang lagi niyang sinasabi niya sa akin is to always stay grounded. Kahit saan man ako magpunta at kung ano man ang marating ng career ko, feet on the ground pa din and maging thankful sa mga projects na ibinibigay sa akin,” sabi pa niya.

Thankful din daw si Joshua sa amang nagbibigay ng free workshop sa kanya.

“Yes dahil matinee idol siya dati, yung mga tricks and atake sa characters siya ang nagtuturo sa akin. Malaking tulong talaga yung suporta ng pamilya,” pahayag pa ng binate.

Mapapanuod ang Araw Gabi simula ngayon Lunes, April 30, pagkatapos ng Asintado sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.