• Home
  • Photos
  • LOOK: A sneak peek at Tony Labrusca's new endorsement photo shoot

LOOK: A sneak peek at Tony Labrusca's new endorsement photo shoot

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

PHOTOS

4/27/2018 12:16 PM

Thankful si Tony Labrusca sa sumisigla niyang showbiz career. Masasabi na mula rin sa showbiz family si Tony dahil celebrities din ang kanyang parents -- ang aktor na si Boom Labrusca at singer na si Angel Jones. 

Unang naramdaman ang presence ni Tony sa showbiz sa ilang TV commercials pagkatapos ay mas nakilala ito sa talent reality search na   “Pinoy Boyband Superstar.” Kahit di siya pnalad na mapasama sa final cut ay na-discover naman ang kanyang talento sa pag-arte sa teleseryeng "La Luna Sangre."

Ngayon bagong endorsement naman ang latest blessing sa career ni Tony bilang brand ambassador ng isang kilalang clothing brand. Exclusive na ipinasilip ni Tony ang latest pictorial niya na sexy at full of action na swak sa kanyang personalidad.