• Home
  • Fresh Scoops
  • Joed Serrano, target gawing front act si LA Santos sa concert ni Celine Dion

Joed Serrano, target gawing front act si LA Santos sa concert ni Celine Dion

Bilib na bilib si Joed Serrano sa talent ni LA Santos.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/27/2018 9:29 AM
Joed Serrano, target gawing front act si LA Santos sa concert ni Celine Dion


Photo credit: @lasantos27 (L) on IG

 

May nakitang kakaiba ang dating actor at ngayon ay concert producer na si Joed Serrano sa Star Music singer na si LA Santos kung bakit niya ito ipina-produce ng concert sa Music Museum on April 30 titled LA Santos #Petmalu.

Pero tagubilin niya sa newbie singer na pag-ibayuhin pa nito ang pagtityaga.

“Alam mo ang showbiz tiyagaan yan, if you really want it, if you want to be in this industry kailangan niyang tanggapin. I really believe in his talent, so sana po, kung ano yung nakikita ko, sana makita n’yo rin sa kanya,” paliwanag ni Joed.

Plano rin ni Joed na gawing front act si LA sa concert ni Celine Dion sa July kung saan siya rin ang producer.

“Pag pumayag siya na may mag-guest, siyempre si LA yung una kong sasabihin, di ba? But again, siya talaga yung magde-decide.

“Isa rin sa mga dahilan kung bakit ko ginagawa itong concet ni LA is because I need something to show and to provide in case na manghingi sila ng requirements. So, chances are, gusto kong ma-search nila si LA but still, sabi ko nga, ang magde-decide, eh, yung artist. We’re just hoping na sana… sana. Puwede rin naman sabihin ni Celine na ayoko ng guest, wala kaming magagawa,” paliwanag ni Joed.

Bukod sa pagiging concert producer ay co-manager na rin si Joed ni LA. Pero hindi raw dapat bigyan ng malisya ang pag-aalagang gagawin niya sa binata.

Aniya, “Tungkol diyan sa tsismis na yan, malabong mangyari, kasi ito yung…” sabay pakita niya sa amin ng photo ng kanyang boyfriend sa cellphone.

“Six years na kami. He’s a businessman. Aside from that, hindi naman ako mahilig sa masyadong bata,” buong ningning pang paliwanag ni Joed.

Ibinalita rin ni Joed na after niyang mag-produce ng concert ay papasukin na rin niya ang film producing kung saan isa rin si LA sa magiging bida.

“Gusto kong pasukin ang pagpo-produce ng movie. Hindi ko naman pababayaan yung concert, pero yung movie gusto kong i-try. I want to do a romcom,” lahad pa ni Joed sa PUSH.