• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jairus Aquino, inaming buwag na ang love team nila ni Sharlene San Pedro

EXCLUSIVE: Jairus Aquino, inaming buwag na ang love team nila ni Sharlene San Pedro

Disappointed din si Jairus Aquino sa tinatakbo ng career niya ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/27/2018 9:40 AM
EXCLUSIVE: Jairus Aquino, inaming buwag na ang love team nila ni Sharlene San Pedro


Photo credit: @dothejairusaquino (L)/ @sharlenesa (R) on IG

 

Walang regular show sa ABS-CBN ngayon ang young actor na si Jairus Aquino. Ayon sa binata nang makausap siya ng PUSH sa special premiere showing ng pelikulang The Impossible Dream sa Pampanga, medyo disappointed daw siya sa nangyayari dahil ang seryeng Langit Lupa pa ang huli niyang show sa Dos.

Hindi rin naitago ng binata ang disappointment sa nangyayari, pero iniintindi naman daw niya ang lahat.

“Siyempre, andon na po yon, eh, yung disappointment, pero kasi iintindihan n’yo na lang yung mga bagay-bagay.

“Medyo may tampo, na parang hindi pa naman tapos sa isa pang artista, pero meron na naman. Pero sa akin, hindi naman po ako parang… gusto ko lang naman po ng trabaho. Gusto ko lang pong ma-exercise yung craft ko,” pag-amin ni Jairus sa PUSH.

Naiinggit ba siya sa ibang Kapamilya actor na mas nabibigyan ng break kesa sa kanya?

Sagot ng 19-year-old actor, “Hindi naman po. Kasi naniniwala naman po ako na una-una lang yan, kanya-kanyang timing. Pero ganun po talaga, eh, merong iba na… pero okey lang naman po sa akin yon.

“Basta ako, as far as I’m doing my job well naniniwala po ako na mabibigyan din ako ng trabaho.”

Ano na ba ang nangyari sa team-up nila ni Sharlene San Pedro?

“Ah, eh… paano ba? Siguro, kasi different path na rin po kasi yung tinahak namin. Ako, wala na po ako sa MYX, siya mas gusto niya yung MYX. Tapos after Langit Lupa hindi naman po nasundan soap. So parang hindi rin kami nabigyan ng work as a love team, kaya yon siguro hindi na rin natuloy.

“And ako, hindi na rin po masyadong naging visible. Hindi naman po sa pinili ko yung studies, pero dahil nga sa dami rin ng artista at ang dami rin pong love teams ngayon kaya hindi na rin po siguro pinush talaga,” pagtatapat pa ng binata.

Idinagdag pa ni Jairus na halos wala na rin silang communication ngayon ng dating ka-love team.

“Well, wala kaming communication gaano,” sambit pa niya.

Sa kasalukuyan ay may nililigawang non-showbiz girl si Jairus.

“Hindi pa naman po kami matagal. Basta kami, nasa dating stage kami pero talagang malakas lang sobra yung understanding namin sa isa’t isa. Siguro, sana soon, maging official na kami,” masayang pagtatapos ni Jairus sa PUSH.