• Home
  • Fresh Scoops
  • Estado ng love life ni Shaina Magdayao: ‘Single pa din po ako ngayon!’

Estado ng love life ni Shaina Magdayao: ‘Single pa din po ako ngayon!’

Sa kabila ng pagka-link kay Piolo Pascual, Shaina Magdayao focus muna daw sa trabaho.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/27/2018 10:49 AM
Estado ng love life ni Shaina Magdayao: ‘Single pa din po ako ngayon!’


Photo credit: @shaina_magdayao on IG

 

Mula sa matagumpay na hit cable mini-series na Single/Single mapapanuod na ngayon sa big screen sina Joey at Joee na ginagampanan ni Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao sa Single/Single: Love Is Not Enough.

 

Sa naganap na chikahan with the press, aminado si Shaina na hindi niya expected na aabot sa pelikula ang kanilang proyekto na unang minahal sa kapamilya cable channel na Cinema One.

 

“Hindi ko expected na it will become a movie, I am grateful na from the first season nasundan nang second season na hindi din naman din po namin expected. And four years after, we have a movie. Never in my wildest dreams na [naisip ko na] magkaka-movie kami,” bungad ni Shaina.

Dahil usapang single ang tema ng kuwentuhan, naging topic din ang estado ng buhay pag-ibig ng kapamilya actress.

Matatandaan na hindi pa din nilulubayan ng chismis ang mabuting pagtitinginan nina Shaina at Piolo Pascual.

Read: Shaina Magdayao on Piolo Pascual: “We’ll remain friends for a long time”

“Single pa din po ako ngayon. I guess hindi pa dumarating ang tamang timing. Hindi naman po ako nagmamadali,” sabi pa ni Shaina.

“Apparently, marami pa pinagagawa sa akin na projects. Ayaw pa ako pagpahingahin. [But] don’t get me wrong. I’m very grateful sa mga trabaho na dumadating sa akin so in perfect time mangyayari po (ang happy love life) kung kailan? Hindi ko alam.” sambit pa ni Shaina.

Bukod sa Single/Single: Love Is Not Enough, looking forward din si Shaina sa nalalapit na showing ng Ang Panahon Ng Halimaw na isa sa mga obra ng award-winning director na si Lav Diaz.

 

“Commercial run po namin is on May 23 pero magkakaroon ng special screening on May 22. Hindi ko pa alam ang venue. First time ko ginawa lahat ng dialogues namin kinanta namin and it was composed by direk Lav mismo. Para kang nanonood ng isang musical. Sabi nga ni direk Lav isang rock opera,” pahayag pa ni Shaina.

Mapapanuod ang Single/Single: Love Is Not Enough ngayong May 2, 2018 sa mga sinehan nationwide sa direksyon ni Veronica Velasco at Pablo Biglang-awa