• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Jun Lana opens up about the ‘system’ in showbiz

Director Jun Lana opens up about the ‘system’ in showbiz

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

4/27/2018 10:15 AM
Director Jun Lana opens up about the ‘system’ in showbiz


Photo credit: @junrobleslana on IG

 

Hindi na nakapigil ang award-winning direktor na si Jun Lana at inihayag na ang kanyang sama ng loob sa “kalakaran ng showbiz.” Sa isang Instagram post, kanyang ikinuwento ang isang pangyayari kung saan “raket” lamang ang paggawa ng pelikula para sa ilang mga taga-showbiz kung kaya naman hindi rin nabibigyan ng magandang quality ang mga lokal na pelikula.

“Eto ang kalakaran sa showbiz: pumayag ka na sa cut-off at working hours limit, hihiritan ka pa kung pwedeng irelease agad ang alaga nila sa shoot dahil may ibang raket pa sila. Kung may katiting tayong professionalism sa mga katawan natin, mahihiya tayong sabihing raket lang ang paggawa ng pelikula. Kaso ganito kagarapal ang showbiz. Tapos nagtataka tayo kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula natin ngayon? Mga pelikulang hindi naman talaga pinagbuhusan ng panahon at niraket lang? Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin,” aniya.

Hindi naman nagbanggit ng pangalan ang director kung sino ang kanyang tinutukoy ngunit maraming netizens ang sumang-ayon sa kanyang sinabi.