• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ang Huling El Bimbo The Musical’ to feature the music of The Eraserheads

‘Ang Huling El Bimbo The Musical’ to feature the music of The Eraserheads

Inaasahan din ng stage performers ang pagdalo ng Eraserheads sa kanilang opening night.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/27/2018 10:42 AM
‘Ang Huling El Bimbo The Musical’ to feature the music of The Eraserheads


Photo credit: Resorts World Manila's FB Page

 

Sa unang pagkakataon ay pinagsama-sama ang mga kanta ng iconic ‘90s Pinoy band The Eraserheads sa isang musical play. Kabilang sa mga sikat na awitin ng Eraserheads ang “Alapaap”, “Toyang”, “Maling Akala”, at “Ang Huling El Bimbo” na siyang napiling titulo ng stage musical.

Ramdam naman ng mga cast ang pananabik sa kanilang nalalapit na opening night ngayong July 26 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Isa ang veteran stage actor na si Jon Santos sa mga cast na proud na proud na magbibigay buhay sa sikat na awitin ng Eraserheads.

“Talagang nanumbalik ang mga alaala, talagang friendships are made and nurtured habang naririnig mo ang mga kanta na yan ang lakas maka-throwback,” bungad ni Jon.

Gaya ni Jon, excitement din ang nararamdaman ng former Miss Saigon actress na si Tanya Manalang na aminadong fan ng Eraserheads.

“Number one, Tagalog siya. Iba talaga kapag Tagalog and yung music pa is by Filipino artist,” sambit pa ni Tanya.

Challenge naman para sa musical director na si Myke Salomon ang bigyang buhay ang classic hits ng Eraserheads.

“Mahirap siya in a sense na kasi ano tinatagpi-tagpi namin to tell a story. Hindi siya isang scene tapos buong kanta, hindi. Ginanun ganun namin so meron dugo’t talino ang binuwis. Matagal. Hanggang ngayon binubuo pa rin. We are constantly reworking it,” paliwanag niya.

Thankful naman ang Resorts World Manila Artistic Director na si Menchu Lauchengco Yulo para sa tiwala ng Eraserheads na gawan ng stage musical ang kanilang mga awitin.

“They took a process of acquiring the rights so that took a while in terms of what we can use what we can’t use because we need to know that muna before we could write the script. And they were very gracious and then they allowed us to use what we thought we could use and we gave them the list and then they checked it. And from what we hear they loved it!” pahayag pa niya.

Looking forward din daw ang stage performers na mapanuod ng apat na miyembro ng Eraserheads ang kanilang opening night sa July 26, 2018.