• Home
  • Fresh Scoops
  • Star Music artist LA Santos gears up for his first solo major concert

Star Music artist LA Santos gears up for his first solo major concert

Positibo din si LA Santos sa magandang tinatakbo ng kanyang career bilang isang recording artist.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/26/2018 10:43 AM
Star Music artist LA Santos gears up for his first solo major concert


Photo credit: @lasantos27 on IG

 

Puspusan na ngayon ang paghahanda ng Star Music artist na si LA Santos para sa kanyang first solo concert na #petMalu ngayong April 30, 2018 sa Music Museum.

 

Mark the date!! 🤟🏿

A post shared by LA (@lasantos27) on

 

Bago pa man ito, nakilala na si LA bilang isa sa mga performer at special guest sa mga concerts ng music icons.

 “Excited po ako dahil first major solo concert ko ito, may halong kaba rin po siyempre, hindi po siguro talaga mawawala iyon. Pero siguro po ay normal lang na makaramdam ng ganoon talaga,” bungad ni LA.

Kuwento pa ng Star Music artist, looking forward din daw siya sa kanyang mga guest, gaya ni Jaya, Ian Veneracion, Jona, Michael Pangilinan, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Eva Eugenio, at Boobsie Wonderland.

Thankful din daw si LA sa nangyayari sa kanyang career bilang isang mang-aawit, performer, at recording artist.

“Masaya, sobra po pero hindi pa ako satisfied. Paulit-ulit kong sinasabi po iyon. Ayaw ko po kasing ma-satisfy, naniniwala kasi ako na marami pang mangyayari sa career ko. Kumbaga po ay umpisa pa lang ito. Kaya talagang work hard lang ang gagawin ko,” sabi pa ni LA.

“Kumbaga, gusto ko pong ituloy-tuloy lang, at talagang pagsisikapan at paghihirapan ko po para maabot ko yung dreams ko,” pahayag pa ng binate.

Mapapanuod ang #petMalu ngayong April 30, 2018 sa Music Museum.