• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kabila ng mga pagbatikos sa ‘Bagani’, Matteo Guidicelli thankful sa pamamayagpag ng programa sa ratings

Sa kabila ng mga pagbatikos sa ‘Bagani’, Matteo Guidicelli thankful sa pamamayagpag ng programa sa ratings

Thankful din ang Bagani Team sa mainit na suporta ng mga viewers.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/26/2018 10:49 AM
Sa kabila ng mga pagbatikos sa ‘Bagani’, Matteo Guidicelli thankful sa pamamayagpag ng programa sa ratings


 

Gabi-gabing napapanuod ang Kapamilya Star na si Matteo Guidicelli sa primetime teleserye na Bagani.

Gumaganap si Matteo sa papel na Lakam na isang mayaman na mangangalakal na nais patunayan ang kanyang kakayahang maging isang mandirigma.

Kasama ni Matteo sina Makisig Morales, Enrique Gil, at Liza Soberano sa Bagani.

Sa kabila ng mga positibong papuri sa Bagani, hindi pa din maiwasan ang mga pagpuna sa kanilang programa.

Pero ayon kay Matteo, hindi sila apektado sa mga naglalabasan pasaring na ito.

 

“Any news is still news. Bagani is rating high. Maraming salamat sa mga kapamilya natin. It’s s team effort, not just the artistas—the writers, the whole creative team. Talagang they’ve worked so hard for this teleserye. I think it’s an amazing soap that I can be proud of,” pahayag pa ni Matteo.

Bukod sa Bagani, looking forward din ngayon si Matteo kasama si Shaina Magdayao sa pagsasa-pelikula ng kanilang Cinema One series na Single/Single: Love Is Not Enough na mapapanuod ngayong May 2, 2018 in cinemas nationwide.