JM De Guzman pinasalamatan ang kanyang support group

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/26/2018 9:02 AM
JM De Guzman pinasalamatan ang kanyang support group


 
Balik teleserye na ang aktor na si JM De Guzman ngayon bilang lead actor ng teleseryeng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.
 
Aminado ang aktor na natigil ang kanyang showbiz career ng dalawang taon dahil sa pagkalulong sa bisyo. Naikuwento din ng actor na tuluy-tuloy lang ang kanyang recovery.
 
“Meron po kami monthly na requirement parang to attend therapy sessions ng mga peers ko sa loob. Ayun kasama ng mga family namin para tuluy-tuloy ang support,” paliwanag ni JM.
 
“Kailangan maging humble pa rin ako to seek help always sa recovery stage. Hindi naman siya natatapos agad eh. Lifelong struggle ito as long as tumigil ako humingi ng tulong or magpa-support pwede ako madapa uli,” Kuwento pa ni JM.
 
At ngayon na muli siyang haharap sa panibagong pagkakataon sa kanyang karera bilang aktor, handa na muli si JM  sa challenges na kanyang haharapin.
 
“Yung gabing dadating, hindi naman mapipigilan yan. Nasa tao yun pero sa pinagdadaanan ko ngayon medyo skilled na with coping skills para ma-manage ko ang sarili ko sa oras ng dilim,” pahayag pa nito.
 
Mapapanuod ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi ngayong Lunes, April 30, sa Kapamilya Gold.