Vina Morales at Victor Silayan, ibinahagi kung paano sinusuportahan ang isa’t-isa sa sexy scenes sa ‘Araw Gabi’

Vina Morales at Victor Silayan, ibinahagi kung paano sinusuportahan ang isa’t-isa sa sexy scenes sa ‘Araw Gabi’-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/25/2018 09:56 AM
Vina Morales at Victor Silayan, ibinahagi kung paano sinusuportahan ang isa’t-isa sa sexy scenes sa ‘Araw Gabi’

 

Bagong papel ang gagampanan ngayon ni Vina Morales bilang kontrabida na si Celestina De Alegre sa bagong panghapon na serye na Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.

Teaser pa lang ng bagong serye, nagulat na ang lahat kay Vina naka-suot ng sexy swimsuit. Meron din siyang bagong love interest sa katauhan ng nakababatang aktor na si Victor Silayan na kabiruan ni Vina sa media conference ng serye.


“Boy toy ko siya. Marami na po kami eksena together. Medyo nahirapan ako with these kinds of mga scenes eh alam mo naman mga taste ng ginagawa ko before medyo conservative ng konti. I have a lot of swimsuits, mga bed scenes yay! (Laughs)” pagbibiro ni Vina.

Hindi man daw sanay sa sexy scenes si Vina, nagtutulungan daw sila ni Victor para mag-mukha itong kapanipaniwala.

“Si direk kasi kung anu-ano pinapagawa sa amin. Nakaka-stress kasi siyempre first time ko to work with Victor. He’s very gentlemanly so I thanked him for that. Ayun!” sabi ni Vina.

Si Victor naman mataas daw ang respeto para kay Vina.

“Sa Filipino culture natin ginagalang natin ang mga mas nakakatanda sa atin. Vina is so easy to work with. She is a very beautiful actress and a very generous actress. She makes it very easy,” pabirong sabi ni Victor

Looking forward din si Vina sa magiging reaksyon ng manunuod sa bago niyang character na malayo sa nagawa na niya noon.

“I’m very excited and also nervous, but I know our directors will take care of us. Hindi naman kami pababayaan na. Of course it’s sensual pero nandiyan pa rin yung ano dahil pang-hapon tayo but nandiyan yung landi ano?” pahayag pa ni Vina.

Magsisimula ng mapanuod ang PHR Presents Araw Gabi ngayong Lunes April 30 sa Kapamilya Gold.