Rk Bagatsing bibida din sa ‘Araw Gabi’

Gaya sa ‘Wildflower’, RK Bagatsing magpapakita din ng abs sa ‘Araw Gabi’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/25/2018 11:34 AM
Rk Bagatsing bibida din sa ‘Araw Gabi’


 

Mula sa kanyang pagganap bilang si Arnaldo sa hit late afternoon teleserye na Wildflower, balik-teleserye muli si RK Bagatsing sa inaabangan na Araw Gabi.

Dito, gaganap si RK bilang isang doktor na may malaking papel sa katauhan ni JM De Guzman na gumaganap bilang si Adrian Oldivar.

“I play the role of David Rodriguez. Ang specialty niya is a psychologist na tutulong sa kaso ni JM,” bungad ni RK.

Aniya, gaya ng kanyang role sa Wildflower nag-uumapaw din ka-sexyhan ang masisilayan ng mga viewers ng Araw Gabi.

“Pinaghandaan ko siya kasi sabi ni direk may pa-abs din daw. From Wildflower na lahat kami medyo na-stress, kaya ako nagpahinga lang ako, nag-beach tapos ito na. Looking forward na ako sa Araw Gabi,” sabi pa ni RK.

May patikim pa ni RK sa mga dapat abangan sa kanyang role.

“Sabi ni Direk, mayroon ina-add doon sa story para maging mas dramatic pa siya and maging more interesting pa siya,” pahayag ni RK.

Magsisimula ang Araw Gabi ngayong April 30.