• Home
  • Fresh Scoops
  • Gusto pa ba makatrabaho ni Arjo Atayde ang ina niyang si Sylvia Sanchez?

Arjo Atayde to Sylvia Sanchez: ‘Mommy, sana masapak kita!’

Gusto pa ba makatrabaho ni Arjo Atayde ang ina niyang si Sylvia Sanchez?

Arjo Atayde to Sylvia Sanchez: ‘Mommy, sana masapak kita!’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/25/2018 10:05 AM
Arjo Atayde to Sylvia Sanchez: ‘Mommy, sana masapak kita!’

 

Proud mommy talaga si Sylvia Sanchez sa anak na si Arjo Atayde na kasama niya sa ABS-CBN afternoon series na Hanggang Saan which will end soon.

Ani Sylvia, “Ang galing ng anak ko!”


Dati raw ay naririnig lang niya from other people ang mga papuri kay Arjo about his performance pero nung nakatrabaho na niya ito, do’n niya mismo na-confirm na totoo nga ang sinasabi ng iba.

“Ang sinasabi ng lahat, magaling si Arjo but modesty aside, magaling nga siya. At ‘pag nag-focus pa lalo si Arjo at mahalin lang niya nang sobra ang trabaho niya, mas meron pa siyang ibibigay,” sambit pa ni Ibyang.

Simple lang naman ang reaksyon ni Arjo sa tinuran ng ina.

“Okay lang, steady,” medyo natatawa niyang reaksyon.

“Of course, magaling, everyone here is professional and si Mommy, she’s always been a good actress and actually, lahat sila, ‘pag nakakaeksena ko, not only my mom.

“Kasi, sometimes, nahihirapan kang humugot sa artista, eh. Parang ‘yon ‘yung pinaka-downfall ko. Hindi ko kayang iangat ang sarili ko ‘pag nahahatak na ako pababa. Pero in this show, hindi ko kinailangang mag-isip ng ganu’n because every scene I have with each and every person, they know their place, they know their character, so it’s easy to play around with it,” dugtong ni Arjo.

Kahit isa nang award-winning actor si Arjo, hindi pa rin daw nagkukulang si Sylvia ng paalala dito.

“Sina-sample ko lagi sa kanya ang sarili ko, nu’ng bago ako, hanggang narating ko ‘to. ‘Yon ‘yung inuumpisahan ko lagi sa kanya.

“Tapos, eto lang, parati ko namang sinasabi sa kanya, pakikisama, huwag pasaway, maging professional, galingan, mahalin (ang trabaho) at higit sa lahat, huwag mamili ng tao sa set, ke boss ‘yan, ke BUH ‘yan, ke utility ‘yan. ‘Yun ang sinasabi ko sa kanya,” she said.

Dagdag pa ni Sylvia, “And thankful ako, honestly, hindi sa yabang pero ‘yung nakikita kong itinuturo ko sa anak ko, slowly, nakikita ko. Dito ko nakita na sabi ko, ‘Hindi ako nagkamali,’ kasi kahit paano, kinukuha ni Arjo at ginagawa niya.”

Tanong namin kay Arjo, gusto ba ulit niyang makasama ang mommy niya in another teleserye, ang natatawa niyang sagot ay hindi raw muna.

“Hindi naman puwedeng sunud-sunod, kami lang nang kami,” komento niya.

Pero bigla siyang humirit na sana sa susunod na project nila ay maging magkabarkada sila ng ina para mabatuk-batukan niya ito at masapak on screen.

“Mommy, gusto kong magkaroon (ng show) na sasapakin kita,” sey ni Arjo.

Buwelta naman ni Ibyang, “Kasi hindi na challenge sa akin ‘yung sasapakin siya kasi minsan, ‘di ba, sa totong buhay, ako nanay niya, ‘pag nagkamali siya, sinasapak ko siya talaga, eh. So, hindi na bago sa akin. Siya ‘yung excited. ‘Mommy, sana, masapak kita.’ Go!”