• Home
  • Fresh Scoops
  • Balak ba ni Paolo Ballesteros magsalita tungkol sa kanyang gender?

Paolo Ballesteros, may ‘gender reveal’ pero hindi lang alam kung kailan

Balak ba ni Paolo Ballesteros magsalita tungkol sa kanyang gender?

Paolo Ballesteros, may ‘gender reveal’ pero hindi lang alam kung kailan-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/24/2018 08:50 AM
Paolo Ballesteros, may ‘gender reveal’ pero hindi lang alam kung kailan
Photo credit: @pochoy_29 on IG

 

Hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng mga tao kung kailan ba talaga pormal na aaminin ni Paolo Ballesteros ang tunay niyang gender.

Ang buong akala namin ay mag-a-out na siya totally sa presscon ng pelikulang My 2 Mommies ng Regal Entertainment kung saan siya ang bida kasama si Solenn Heussaff, pero bitin pa rin ang kanyang mga naging pahayag.


Aniya, “Wala naman akong itinatago, eh. Indirect lang (ang pag-amin). Pero hindi ako nagtatago.”

Sunod na tanong namin, sa palagay ba niya darating yung time na mag-a-out talaga siya?

Sagot ni Paolo, “Hindi ko pa alam. Sana.”

Kailangan pa ba niya ng preparasyon bago umamin siya sa nine-year-old daughter niya na si Kiera Claire about his true gender?

“I don’t think kailangan ng preparasyon kasi hindi naman ako nagtatago sa kanya. I’m being myself in front of her and even kahit wala siya. What you see is what you get.

“I’m sure, naiisip na rin niya yon, na ‘ang galing naman niya mag-make-up’ at ‘bakit siya naka-heels.’ Pag nagtanong, saka ko ipapaliwanag, pero wala pa, eh. Baka gets na niya. Kasi smart girl naman siya, eh,” pahayag niya sa PUSH.

“Saka nung nasa akin pa siya non sa St. Paul, pagka-meron siyang event sa St, Paul, ako nagme-make-up sa kanya and stay put naman siya na nagpapa-make-up,” hirit pa ni Paolo.

Ayon pa sa Make-up Transformation King, parang hindi na rin daw niya kakailanganin pang umamin.

“Oo. Ewan ko ba’t tanong pa kayo ng tanong. Hahaha!” sey pa niya na natatawa.

Eh, kailan ba nalaman ng parents niya ang tungkol sa kanyang gender? Aaminin din ba niya ang tungkol dito?

“Ha? Anong aaminin? Charot!” tili ng bida ng My 2 Mommies.

Dugtong niya, “Ang mga magulang, sila ang mga unang nakaaalam. Siyempre, parang ayaw tanggapin pero sila ang unang nakakaalam kasi sila yung nakakakilala sa ‘yo simula pagkabata—lahat ng galaw mo alam nila.”

Samantala, masaya naman si Paolo na kahit papaano ay naging inspirasyon siya sa ilang tao na natatakot mag-out pero may lakas na ng loob ngayon na magladlad.

“Nakakatuwa naman yung ganun. Pero yon nga, siyempre nasa sa ‘yo nga din yon, eh, di ba, kung paano mo ie-embrace,” sambit niya sa PUSH.

Bukod kina Paolo at Solenn, special guest din sa My 2 Mommies na showing on May 9 at pang-Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano. The film is under the direction of Eric Quizon.