Arjo Atayde mas nakilala pa ang ina na si Sylvia Sanchez sa ‘Hanggang Saan’

Arjo Atayde mas nakilala pa ang ina na si Sylvia Sanchez sa ‘Hanggang Saan’-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/24/2018 08:59 AM
Arjo Atayde mas nakilala pa ang ina na si Sylvia Sanchez sa ‘Hanggang Saan’

 

Sa farewell press conference ng afternoon teleserye na Hanggang Saan, naikuwento ni Arjo Atayde na gumaganap bilang si Attorney Francisco Alipio na mas nakilala pa niya ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez na kasama niya sa cast.

 

May magpapaalam na nga ba? ABANGAN! Mamaya na sa #HSSawingPalad 😔


A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

“I’m a very observant person. I guess I saw my mom’s talent, kumbaga yung pagiging natural. I saw her versatility. I don’t know, ang hirap explain eh. Mas na-observe ko na. I’m not saying na she’s predictable. Si mom ko kasi ang nagtuturo sa akin ever since I started,” sabi ni Arjo.

Nag-explain din si Arjo kung bakit pahinga muna silang mag-ina sa pagsasama sa isang project lalo na sa teleserye.

“Yeah definitely. Hopefully a movie whatsoever para maiba but a serye I think we should rest for quite sometime kasi di naman pwede sunod sunod kami lang ng kami,” ani pa ni Arjo.

Ibinida din ni Arjo ang lessons na laging sinasabi ni Sylvia sa kanya.

“Unconditional love and pakikisama and respect to other people, whichever comes your way. So it’s just three lessons,” pahayag pa ni Arjo.

Mapapanuod ang huling araw ng Hanggang Saan sa darating na Biyernes, April 27, sa Kapamilya Gold.