• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina nagbigay komento sa chismis na may tampuhan si Cristine Reyes at Ali Khatibi

Ara Mina nagbigay komento sa chismis na may tampuhan si Cristine Reyes at Ali Khatibi

Sinabi ng aktes na normal lang na may di pagkakaintindihan sa isang relasyon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/23/2018 4:05 PM
Ara Mina nagbigay komento sa chismis na may tampuhan si Cristine Reyes at Ali Khatibi


Photo credit: @therealaramina on IG

 

Balik Kapamilya serye ang aktres na si Ara Mina sa Araw Gabi na pagbibidahan nina JM De Guzman at Barbie Imperial. 

Sa press con ng show nitong April 23, na-corner si Ara ng media at tinanong ang kanyang kumento tungkol sa lumabas na balita sa isang entertainment website tungkol umano sa tampuhan kanyang kapatid na si Cristine sa asawa nito na si Ali Khatibi.

“Nag-post lang ata siya ng pray for me, tapos nag haka-haka na sila doon,” bungad ni Ara. 

“Normal lang naman sa mga mag-asawa ang may hindi pagkaka-intindihan, hindi naman siguro away, indifferences,” dagdag pa ni Ara. 

Aniya, bilang kapatid hindi siya nanghihimasok sa buhay may asawa nito.

“Hindi din kasi ako nagtatanong e, She’s okay naman madalas kami magksama kasi ingat na ako, kasi di ba, ayaw ko na mag-away kami magkapatid. Tsaka pag mga ganyan, buhay nila yun, ayaw ko mag-interfere” sabi ni Ara. 

Kuwento pa ni Ara, nakikita niya na ok ang kanyang kapatid kaya hindi siya naniniwala na may pinagdadaan ito ngayon.

“Hindi siya nagsasabi, very strong pa din siya at alam naman niya na anytime na she needs me andito lang ako,” ani pa ng aktres.

Dipensa pa ni Ara sa mga nagtataka sa matipid na social media activity ni Cristine, abala ito sa iba’t ibang mga proyekto.

“Sobrang busy kasi ngayon ni Cristine sa mga projects, yung Abay Babes, Tapos mayroon pa siya na parang action film, ang sabi niya nag-training daw siya, magpapakita siya ng abs, so ayun,” paliwanag ni Ara.