• Home
  • Fresh Scoops
  • Rachel Peters positibong masusungkit ni Catriona Gray ang Miss Universe crown

Rachel Peters positibong masusungkit ni Catriona Gray ang Miss Universe crown

Bilib din daw si Rachel Peters sa determinasyon ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/22/2018 9:39 AM
Rachel Peters positibong masusungkit ni Catriona Gray ang Miss Universe crown


Photo credit: @rachelpetersx IG (L)/ @catriona_gray IG (R)

 

Isa si 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters sa mga kilalang personality na aktibong nagsusulong ng turismo sa Siargao Island. Bilang isa din sa mga kilalang personality na nag-uumpisa ng negosyo sa Siargao, aminado si Rachel na madami pang dapat ayusin sa isla bago ito dagsain ng turista.

 

 

🌺

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

 

“It’s true kulang talaga pero I think the problem is Siargao boomed so quickly. Parang hindi yata nila in-expect that there will be many people that quickly so I think it’s hard din naman to build so many structures as quickly,” kuwento ni Rachel.

 

Bilang 2017 Miss Universe Philippines naman, todo suporta si Rachel kay 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray.

 

 

 

Ayon kay Rachel, malaki ang chances ni Catriona na muling makuha ang Miss Universe crown.

 

“What I can say about Catriona is that she is the most hardworking girl that I’ve ever met. I think as long as she stays focused, stays humble, and remembers why she joined in the first place, she can really bag the crown,” paliwang ni Rachel.

 

Aniya, sanay na din daw si Catriona sa mga negative comments at alam na niya kung paano ito i-handle.

 

“Going into beauty pageants medyo expected na ang negatrons out there and she knows that kasi nagawa na niya ang Miss World so she knows what to expect. She knows how to deal with negative comments and negative people,” pahayag pa ni Rachel.

 

Sa ngayon, abala si Rachel sa pagbubukas ng isa pang negosyo sa Siargao Island.