Tandem nina Ysabel Ortega at Paulo Angeles, bagong aabangan sa ‘Araw Gabi’

Tandem nina Ysabel Ortega at Paulo Angeles, bagong aabangan sa ‘Araw Gabi’-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/21/2018 07:25 PM
Tandem nina Ysabel Ortega at Paulo Angeles, bagong aabangan sa ‘Araw Gabi’
Photos credit to the owners

 

Isa ang tambalan nina Ysabel Ortega at Paulo Angeles sa mga aabangan sa pinakabagong kapamilya teleserye na Araw Gabi.

Kuwento ni Ysabel na gaganap bilang si Nikka Marcelo, naiiba ang bago niyang karakter sa kanyang previous roles.


 

Nica Marcelo will be played by @ysabel_ortega on #PHRArawGabi. Abangan! #RSBDramaUnit

A post shared by PHR: Araw Gabi (@arawgabi.abscbn) on

 

“Nakakatuwa po kasi this a change for me po. Kasi yung past roles ko po na I was the love triangle, I was the kontrabida. But now I’m really part of the main cast,” sabi ni Ysabel.

Ang Hashtags member naman na si Paulo inalala din ang kung paano nasungkit ang kanyang role na si Red De Alegre.

 

“Nag go-see po ako dito. Siguro mga three times po ako bumalik and thank God kasi po ako po yung napili for the role,” kuwento naman ni Paulo.

Dahil kapwa first time big role sa isang teleserye, aminado sina Ysabel at Paulo na kinakabahan sila ngayon sa nalalapit na pagsisimula ng Araw Gabi.

“Kinakabahan po kasi this is a new role for me. First time ko din po sa Precious Hearts, and with preparations for Nikka medyo hindi naman nagkakalayo from who I am naman,” sabi ni Ysabel.

Challenging naman kay Paulo ang kanyang unang role sa teleserye.

“Challenging kasi first time ko maging kontrabida na part ng main cast kaya para sa akin ito ang pinaka big role na nagawa ko ngayon,” pahayag pa ni Paulo.