• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid at Nadine Lustre, kinwentong “frenemies” sila noon.

James Reid on his relationship with Nadine Lustre: ‘We are somewhere in between honeymoon and the comfortable stage’

James Reid at Nadine Lustre, kinwentong “frenemies” sila noon.

James Reid on his relationship with Nadine Lustre: ‘We are somewhere in between honeymoon and the comfortable stage’-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

04/02/2018 02:03 PM
James Reid on his relationship with Nadine Lustre: ‘We are somewhere in between honeymoon and the comfortable stage’

 

Sa Rated K, kinwento ni James Reid at Nadine Lustre kung papano sila nagsimula bilang magkaibigan hanggang sa naging frenemies at sa huli ay naging magka-ibigan. 

“We were friends since the very beginning, ang naging reason kung bakit nangyari ay nung nag-away kami,” sabi ni Nadine.  


Paglilinaw ni James, “There was a stage when we were enemies.” “Frenemies” ang magandang itawag sa kanila ayon kay Nadine dahil, “minsan away, minsan hindi. It’s weird.” 

Pero dahil daw dito, na-realize ni James kung gaano sa kanya ka-importante si Nadine. “After we fought, we weren’t friends anymore and I realized how important she was to me.” 

Inamin din ni James na passionate ang kanilang relationship. Nang tanungin kung nasaang stage na ang kanilang relasyon sinabi ni James na, “We are somewhere in between honeymoon and the comfortable stage.” 

Inamin din ng JaDine na nag-aaway sila hanggang sa kasalukuyan. “Honestly, I don’t think it’s that frequent compared to other couples that I know, other relationships I’ve had,” lahad pa ni James.  

Ayon naman kay Nadine, “If we fight parang mag-aayos muna kami and then we talk about it.”

Sa ngayon, hindi pa din daw nila napag-uusapan ang marriage. 

“No. I think that’s one of the things we don’t talk about.  Off limits,” sabi ng aktor. 

Sinabi din ng dalawa na bata pa daw kasi sila para mag-isip tungkol sa kasal.  

“We still want to do a lot of things pa,” sabi ni Nadine.