• Home
  • Fresh Scoops
  • Thankful din ang Diamond Star para sa pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya ngayon.

Matapos magpahinga sa showbiz, Maricel Soriano excited sa kanyang pagbabalik trabaho

Thankful din ang Diamond Star para sa pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya ngayon.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/19/2018 10:56 AM
Matapos magpahinga sa showbiz, Maricel Soriano excited sa kanyang pagbabalik trabaho

 

Kasama ang mga tagahanga at mga kaibigan, dinumog si Diamond Star Maricel Soriano sa naganap na red carpet premiere ng digitally restored version ng 1992 movie ni Carlos Siguion Reyna na Ikaw Pa Lang Ang Minahal.

 

Sa naging panayam na ito ng entertainment press kay Diamond Star, proud at masayang masaya si Marya na muling mapapanuod ng millennials ang kanyang pelikula kasama si Richard Gomez.

“Sobra akong excited kasi ito ay isa sa pinakamagandang pelikula na nagawa ko and proud na proud ako,” bungad ni Marya.

Bukod sa muling pagpapalabas ng kanyang classic film, balik teleserye din ang Diamond Star sa The General’s Daughter.

 

“Excited din ako. Maganda rin ang story namin doon pero wag mo muna itatanong dahil hindi ko pa alam kung pwede na ikuwento,” saad pa ni Marya.

Sa kabila ng kanyang pamamahinga at mga pinagdaanan na pagsubok sa buhay, thankful si Marya para sa pagkakaton na ipinagkakaloob sa kanya ngayon.

“Alam mo sabi ko matapos ang matitinding dagok na pinagdaanan ko sa buhay ko, eto na. After the rain, I’m back!” masayang pahayag ni Marya.

Aminado din si Marya na na-miss niya ang ingay ng showbiz.

“Oo na-miss ko lahat ito siyempre! Salamat sa lahat ng nagmamahal yung unconditional love nila. Sobra sobra ako na ta-touch,” pahayag pa ni Marya

Sa ngayon, abala si Maricel sa isang pelikula under Regal Films na My 2 Mommies.