• Home
  • Fresh Scoops
  • Mark Herras, aminadong apektado ang girlfriend na si Winwyn Marquez sa pagkalat ng kanyang video scandal

Mark Herras, aminadong apektado ang girlfriend na si Winwyn Marquez sa pagkalat ng kanyang video scandal

Lumang issue na daw ang sex video ayon kay Mark Herras.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/19/2018 11:42 AM
Mark Herras, aminadong apektado ang girlfriend na si Winwyn Marquez sa pagkalat ng kanyang video scandal


Photo credit: @ markinianstheofficial on IG (L)/ @teresitassen (R) on IG

 

Hindi itinanggi ni Mark Herras na siya nga ang nasa kumakalat na sex video sa internet pero aniya, matagal na raw ang isyung yon.

“Actually, it’s an old issue at hindi na siya para pag-uusapan pa. Ang masasabi ko na lang is huwag nilang idamay si Win (Winwyn Marquez, ang kanyang girlfriend). Kasi ang daming nagta-tag kay Win. Ang daming… alam mo yon, yung mga walang kuwentang…

“Kasi si Win yung pinaka-naapektuhan, siyempre siya yung napapahiya. Kumbaga, it’s an old issue, so ako naman, parang deadma naman na ako sa ganyan,” pag-amin ni Mark at sabay pakiusap na rin niya na huwag idamay ang gilrfriend sa isyu.

Paano ba naapektuhan si Win sa kanyang viral sex video?

“Siyempre, nagalit siya and then nag-worry kasi hindi nga magandang isyu. Pero sabi ko sa kanya, it’s an old issue kaya wag na lang naming pansinin, wag na naming patulan.

“Naapektuhan siya na naiinis siya kasi dinadamay siya. Wag na lang nilang isama si Win sa isyu na ito,” pahayag ulit ng aktor.

Patuloy pa ni Mark, “Kasi, ako naman, every time naman na may mga isyu sa akin, tulad ng ganito, wala naman akong… yung parang i-admit at pag-usapan pa.

“May nagtanong nga sa akin, sabi niya baka daw kaya nilabas yon kasi gustong sirain yung relasyon namin. Hindi naman na kami dating, eh. Two years na kaming magkarelasyon.”

Sa pag-alala ni Mark, 12 years pa nung unang kumalat ang naturang sex video.

Samantala, wala pa naman daw silang balak magpakasal ng girlfriend na beauty queen.

“Siyempre, kumbaga, after niyang manalo, yon yung alam ko at ini-expect ko na magiging busy siya with work, ang daming opportunities na dumating. So, don muna siya mag-focus.

“Ako naman, nagtatrabaho din naman ako. Nag-iipon din naman. Yung kasal kasi hindi pa kayang agad-agad. Saka hindi kami nagmamadali ni Win,” sambit pa niya.

Nakausap si Mark ng PUSH sa presscon ng The Cure.