Derek Ramsay ikinuwento ang naging tampo ni Bea Alonzo sa kanya

Derek Ramsay ikinuwento ang naging tampo ni Bea Alonzo sa kanya-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/19/2018 09:37 AM
Derek Ramsay ikinuwento ang naging tampo ni Bea Alonzo sa kanya
Photo credit: @iamdocmye (R)/ @beaalonzo (L) on IG

Masayang-masaya ang aktor na si Derek Ramsay sa kanyang pagbabalik ABS-CBN matapos ang kanyang pagpapaalam sa dating TV network.

Sa pictorial ng kanyang pelikula para sa Star Cinema, ibinahagi ng aktor ang kanyang kasiyahan sa bagong simula sa kapamilya network.

“It’s nice to see familiar faces walking along the ABS halls. It’s definitely nice to see everybody again and to work with friends and other actors,” sabi ni Derek.


Kuwento pa ng actor, isa si Bea Alonzo sa masasabi niyang malapit niyang kaibigan na aminadong nagtampo sa kanyang paglipat noon ng TV network.

“Sabi niya sa akin at first, nagtatampo daw siya sa akin kasi I moved to TV5 and we had that movie together [na hindi natuloy]. She hasn’t changed a bit. She’s still humble. She’s still a brilliant actress. We were able to kind of catch up on things when we were in Cebu. We caught up on the years that we didn’t see each other and she hasn’t changed,” sabi pa ni Derek.

Bukod sa pelikula, kasama si Bea sa isang proyekto na nakatakdang gawin ni Derek.

“May susunod na pelikula na with Maja (Salvador) and Arci (Muñoz). I’ve worked with them before. Nagse-scheduling na kami for that other movie,” pahayag pa ni Derek.