Lani Mercado ipinagdiwang ang kanyang 50th Birthday

Isa sa mga birthday wish ni Lani Mercado ang mabigyan muli ng oras ang mundo ng showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/17/2018 10:12 AM
Lani Mercado ipinagdiwang ang kanyang 50th Birthday


 

Ipinagdiwang nitong weekend ang 50th Birthday ng actress-politician na si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Dito, ibinahagi ni Lani ang isa sa kanyang kahilingan na muling mabuo ang kanyang pamilya na kasalukuyan pa din ngayon lumalaban para sa muling paglaya ng kanyang kabiyak na si Senator Bong Revilla.

“Everything looks so happy, but deep inside of our hearts siyempre masaya na kasama sana namin siya ngayon,” emosyonal na bungad ni Lani.

Hindi man daw kumpleto ang kanilang pamilya sa mga espesyal na araw ng kanilang buhay, nanatiling thankful ang actress-politician para sa mga simpleng biyaya na kanilang natatanggap.

“Siyempre thankful pa din tayo sa pagmamahal and overflowing love despite of all the trials andiyan pa din ang pagmamahal ng mga sumusuporta at mga kaibigan. We are very thankful for that, you can’t have everything talaga yun lang ang masasabi ko,” sabi pa ni Mayor Lani.

Bukod sa mga pang personal na kahilingan ni Lani, isa din daw sa hiling niya ang muling makabalik sa showbiz.

“Nako isa po sa mga wishes ko yan, pero feeling ko it will really take a side trip. Kasi ang trabaho bilang isang alkalde is 24/7,” paliwanag ni Lani

“Sabi ko nga kay Nanay Lolit Solis, ‘Nay, guesting guesting nalang ako medyo mabigat talaga pag soap,” pahayag pa ni Lani.