• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian Veneracion, may mensahe sa mga may dudang kaya niyang mag-concert

Ian Veneracion, may mensahe sa mga may dudang kaya niyang mag-concert

Ibinahagi ni Ian Veneracion kung paano na-develop ang confidence niya sa pagkanta dahil sa ‘A Love to Last’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/17/2018 8:39 AM
Ian Veneracion, may mensahe sa mga may dudang kaya niyang mag-concert


 

First time sasabak ni Ian Veneracion bilang concert performer sa . at ayon sa aktor, malaking tulong ang nagawa sa kanya ng teleseryeng A Love To Last (with Bea Alonzo) para ma-develop ang confidence niya sa pagkanta.

Aniya, “During our tapings, every time I know I will sing, what I do, I play the piano na wala munang nakatingin o pumapansin. As I play, I start to enjoy it, then kakanta na ako.

“Kadalasan nga lang, Bea makes me alaska na, ‘May pa ganyan pa talaga?’ or ‘Yan na nga ba sinasabi ko, eh, sing and play the piano pa, Mr. Noble?’ Laugh trip siyempre. Masaya naman na binibiro nila ako.”

Inamin din ni Ian na hindi siya gaanong kinakabahan sa magiging performance niya sa concert, pero may isa siyang concern.

“I am not nervous about the performance part. I am so ready for it. My band is excited.

“Gusto ko nga bukas na! Game na! Pero, on the other hand, may kaunting pagtataka if kung may bibili ba at manonood,” pahayag niya.

May pakiusap naman ang singer-actor sa mga taong nagdududa sa kakayahan niyang magdala ng isang concert. Pero hindi raw naman niya masisisi ang mga ito.

“I’m comfortable with the performance. I cannot blame some people who are skeptical,” reaksyon niya.

“Yung iba kasi, they might think na I am just one of those actors pretending to be a singer. I don’t blame them thinking that way.

“What I can promise is that I have several beautiful songs that I want to share, just give me a chance and I guarantee you a good time,” paniniguro niya sa manonood ng concert.

Gaganapin ang IAN: In 3 Acts concert sa Grand Pacific Ballroom ng Waterfront, Cebu on April 21 at sa Resorts World Manila on May 3.
 
Ilan sa mga dapat abangan ng audience ay ang version ni Ian ng mga kanta nina Joe Cocker, Cat Stevens, Christopher Cross, Phil Collins, Eric Clapto,n at Sting.

Magiging special guest sa concert na produced ng Dreamwings Production Inc. ang Star Music Artist na si LA Santos.