• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaninong dance moves na-impress ang celebrity choreographer na si Georcelle Dapat-Sy?

Teacher Georcelle, sinagot ang tanong kung sino nga ba ang bagong hari at reyna ng dance floor?

Kaninong dance moves na-impress ang celebrity choreographer na si Georcelle Dapat-Sy?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/16/2018 08:55 AM
Teacher Georcelle, sinagot ang tanong kung sino nga ba ang bagong hari at reyna ng dance floor?

 

Isa sa mga tinututukan tuwing Linggo ang mga pasabog at buwis buhay na mga dance performances ng Kapamilya stars sa longest-running Sunday noontime show na ASAP.

Kabilang sa mga inaabangan ang bagong segment ng production number nina Maja Salvador at Yassi Pressman, na kapwa idolo ng karamihan sa dance floor.


Pero sino nga ba kay Maja Salvador at Yassi Pressman ang bagong Pinay Dancing Queen? 

Sa naging panayam na ito ng entertainment press kay Teacher Georcelle Dapat-Sy sa naganap na opening ng bagong G- Force Dance Studio sa Alabang, Muntinlupa, ibinahagi ng niya kung sino sa kanyang palagay ang Dancing Queen ng bagong henerasyon. 

“’Pag nakita niyo silang dalawa, parehong magaling, pero alam niyo na magkaiba ang istilo,” bungad ni Teacher Georcelle. 

 

“Pareho silang queen, pero magkaibang state! Hahaha!” masayang pahayag ng celebrity choreographer. 

Pero ayon kay Teacher Georcelle, sa mga nagdaan na henerasyon ng dancers mula kay Vina Morales, Dayanara Torres at iba pang dancing queens, isa na si Maja sa mga masasabi umano niya na karapat dapat na sa titulo. 

“Now, it’s still Maja and then now ini-introduce na natin si Yassi and it’s nice to see them together na magka-iba,” paliwanag ni Teacher G.

Aniya, bilang isang choreographer, nakita niya kung paano nag-evolve si Maja bilang isang dancer.

“Di ba si Maja na morena, sa pagtayo pa lang humbaam na! When Maja started, it’s also different. Makikita niyo talaga yung growth niya,” sabi pa ni Teacher Georcelle. 

Kung mayroon Dancing Queen, hayagan din namam n ibinahagi ni Teacher Georcelle kung sino naman para sa kanya ang Hari ng Dance Floor.

“Si Quen (Enrique Gil), kaso hindi siya masyadong active ngayon dahil sa Bagani,” saad ni Teacher Georcelle. 

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17) on

 

Sumagot din ng celebrity choreographer nang tanungin naman ito kung sino para sa kanya ang next kay Enrique.

“Si James Reid, his style is different. Nakikita mo yung details ng sayaw and we loved it kasi nakikita mo talaga yun choreography,” sabi ni Teacher Georcelle.

Sa huli, paliwang ni Teacher Georcelle na hindi sukatan ng pagiging mahusay na dancer ang bansag na Hari at Reyna ng Dance Floor, kundi ang determinasyon ng isang mananayaw na ibahagi ang kanilang sariling talento para sa kanilang mga taga-hangga.