• Home
  • Fresh Scoops
  • Nang hawi o protective lang? Netizens nagtatalo sa ginawa ni Nadine Lustre sa nakikipag-selfie kay James Reid
Nang hawi o protective lang? Netizens nagtatalo sa ginawa ni Nadine Lustre sa nakikipag-selfie kay James Reid
Iba-iba ang intrepretasyon ng netizens sa naging asal ni Nadine Lustre sa isang bar kasama ang bf na si James Reid.
BY PUSH TEAM
4/16/2018 11:37 PM
Nang hawi o protective lang? Netizens nagtatalo sa ginawa ni Nadine Lustre sa nakikipag-selfie kay James Reid


 

Kumakalat ngayon sa internet ang video na kuha ng isang netizen kina Nadine Lustre at James Reid kung saan nasa isang club ang showbiz couple. Sa video, makikitang may ilang babaeng nakikipag-selfie kay James at matapos nito ay nahawi ni Nadine ang kamay ng isa at umalis kasama ang aktor.

 

Naging tampulan naman ito ng tuksuhan sa social media at nagkomento naman ang ilang netizens sa video at sinabing “protective girlfriend” lamang ang Never Not Love You star. Ang iba naman ay natatawa at sinabing “’wag galitin” si Nadine. May ilan din na di sumangayon sa ginawa ng dalaga.

 

 

 

 

 

Inseparable na si Nadine at James since naging official couple sila noong February 2016.