Kris Aquino nakatanggap ng ‘love proposal’ sa Instagram
"I'm too smart and too pretty para bolahin ako."
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

4/16/2018 9:50 AM
Kris Aquino nakatanggap ng ‘love proposal’ sa Instagram

 

Ang haba talaga ng hair ni Kris Aquino. Aba, kahit sa Instagram ay nililigawan siya, huh! Isang Instagram user ang nag-propose kay Kris na baka raw puwede niya itong ligawan.

Ang message ng Instagram user na si  @mandi_monaco kay Kris  sa comment section ng kanyang Instagram account: “Hi, Ms kris, kumusta. Puwede ba kitang ligawan kung papayag ka. I’m a simple guy, OFW engineer pero nag-nurse dito sa UK. Baka ikaw na yung da one ko kc pareho tayo lagi niloloko, iniiwan. Kapag ako minahal mo, mamahalin kita habang buhay, promise.[sic]”

In fairness, sinagot ni Kris ang nag-propose sa kanya ng panliligaw. Hindi niya dinedma ang lalaki.

“No thank you. I saw your feed --  I don’t like “fake” & your account looks like a “troll” account.

“Ang bastos pa nung pics. Please, I’m too smart & too pretty para mag-attempt kang bolahin pa ako,” message ni Kris sa kanyang admirer.

Ikinatuwa naman ng kanyang mga followers ang sagot ni Kris. Umani rin ng ng iba’t ibang reaksyon ang message ni Kris lalo na do’n sa part na “I’m too smart & pretty.”

Samantala, nasa Osaka, Japan ngayon si Kris para sa isang endorsement shoot kaya hindi pa siya makapagbigay ng update about her movie projects.

“We’ll have to wait until my Osaka, Japan endorsement shoot, factory & showroom tour next week followed by Bimb’s quick family vacation birthday celebration (April 19) for the official announcement of HAPPY work related NEWS we prayed for, Kuya Josh is out of town until Monday, [sic]” post ni Kris sa kanyang social media account.