• Home
  • Fresh Scoops
  • Sino ba ang inspirasyon ni KC sa jewelry business niyang Avec Moi?

KC Concepcion, pinag-aralan ang jewelry business, mula sa sketching hanggang sa paghulma

Sino ba ang inspirasyon ni KC sa jewelry business niyang Avec Moi?

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

04/16/2018 09:26 AM
KC Concepcion, pinag-aralan ang jewelry business, mula sa sketching hanggang sa paghulma

 

Sa Rated K, sinabi ni KC Concepcion na pinag-aralan niya ng husto ang kanyang jewelry business na Avec Moi – mula sa sketching hanggang sa paghulma nito. “Pag hilig mo talaga, bibigyan mo talaga siya ng time.” Dagdag pa ni KC, “it’s something different kasi pag mano-mano mo siyang ginawa. Pinag-isipan di ba? So if you have an Avec Moi piece, yung bumili nito e kanya lang,” ani KC.  

Hindi na bago sa pamilya ni KC ang pagkahilig sa alahas. “Siguro napansin ko na ang hilig talaga ng mga babae sa family namin is alahas. Hindi siya mura, hindi din siya madaling masira. It’s something na investment piece na pwede mong dalhin kahit saan ka magpunta,” paliwanag ng aktres.  


Naala diumano ni KC nung bata siya na tinuturuan pa siya tungkol sa alahas ng kanyang pumanaw na Lola na si Elaine Cuneta. Pumanaw man ang kanyang Lola, nararamdaman naman niya ang presence nito kapag suot niya ang mga alahas na bigay nito. 

Kaya nga ang ibig sabihin ng Avec Moi, ayon kay KC, ay ‘kasama.’ “Pag nakakasuot ako ng alahas ng lola ko, nararamdaman ko na nandun siya. Kapag nakakasuot ako ng alahas na bigay sa akin ng isang taong mahal ko, nararamdaman ko na they’re with me,” kwento ni KC.