JM De Guzman aminadong na challenge sa pagbabalik teleserye

Sinabi din ng aktor na touched siya sa mga kaibigang andiyan pa din para suportahan siya.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/16/2018 9:38 AM
JM De Guzman aminadong na challenge sa pagbabalik teleserye


 

Nagbabalik sa pag-arte sa teleseryeng Araw Gabi ang aktor na si Jm De Guzman matapos magpahinga ng dalawang taon sa showbiz para maiayos ang kanyang personal na buhay.

Sa kanyng muling pagharap sa camera, pinasalamatan muna ni JM ang lahat ng nagmamahal sa kanya at hindi siya tinalikuran sa panahon na kailangan niya ng kaibigan. Kabilang na dito ang aktres na si Angelica Panganiban.

“Nakaka-touch. Ever since naman ganun pa din sila, hindi naman sila nagkulang sa support, ganun pa rin naman. Walang pagkakaiba kahit lumihis ako ng daan, nandiyan pa rin sila," kuwento ni JM tungkol sa kanyang mga kaibigan at supporters. 

Challenging para kay JM ang kanyang bagong role bilang si Adrian Olivar pati na rin ang pakikipagtrabaho niya sa cast ng Araw Gabi dahil first time din niyang makakasalamuha ang mga ito. 

“Personally, talagang kakapitan mo yung character parang mapapa-wonder ka kung paano siya magbabago doon sa journey niya," saad ng aktor. 

Samantala, bukod sa pag-arte, babalikan din daw ni JM ang pagkanta. Excited na kinuwento niya na nakakarami na siya ng isinusulat na kanta base sa mga hugot na kanyang pinagdaanan.

“Basically sa journey, sa mga insights ko, sa pinagdaanang struggles sa buhay ko, how I see love, how I see life," sabi ni JM.

Dumaan man sa matinding pagsubok, nakatayo nang muli si JM at mas naiintindihan na ang kanyang halaga sa buhay.

"It's about counting your blessings everyday, from the smallest hanggang sa malaki. Ang sarap mabuhay," pahayag pa ni JM.