• Home
  • Fresh Scoops
  • Malaki ang pasasalamat ni James sa direktor dahil sa confidence nito sa kanyang pag-arte.

James Reid on Antoinette Jadaone: ‘She’s been very good to me’

Malaki ang pasasalamat ni James sa direktor dahil sa confidence nito sa kanyang pag-arte.

James Reid on Antoinette Jadaone: ‘She’s been very good to me’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/16/2018 09:30 AM
James Reid on Antoinette Jadaone: ‘She’s been very good to me’

 

Masayang masaya si James Reid para sa patuloy na pamamayagpag sa takilya ng kanilang pelikula ni Nadine Lustre na Never Not Love You.

Sa kasalukuyan tumabo na sa mahigit kumulang sa 80 Million pesos ang kinita ng Never Not Love You, na simulang ipinalabas sa mga sinehan noong Sabado De Gloria (March 31). 


“Thank you for watching. I hope you didn’t hurt so much. I know it’s really painful to watch. I watched it myself and it brought me to tears. But thank you for the support. I’ve heard of so many good reviews,” bungad ni James. 

Aminado si James na kabado sila ni Nadine para sa pelikulang ito. “At first, I was so nervous about this movie, the script because it’s heavily character based, not storyline based. There was a lot of pressure on me and Nadine,” kuwento ni James. 

Isa din sa pumuri sa acting ni James ay ang director na si Antoinette Jadaone.

Matatandaan na naging laman ng intriga ang JaDine at kanilang director dahil umano sa hindi nila pagkakasundo habang binubuo ang pelikula.

READ: Antoinette Jadaone, may panawagan sa netizens 

“She told me from the start, even during OTWOL. She’s always been very impressed and proud of my acting. She’s been very good to me,” sabi ng aktor. 

“Actually to be honest, the character that you see there is very close to me in real life. I was trying to be as natural as possible,” dagdag pa ng binata. 

After ng movie, sasabak muna kanya-kanyang proyekto si James at Nadine.

“We have a lot of solo projects coming up next. Maybe the next JaDine project might be a song that I’ll be producing for the both of us,” paliwanag ni James. 

Isa din sa pinaghahandaan ni James ngayon ang kanyang bagong single na mapapakinggan na anytime soon.